Would you like to try dying this once?
Image done by yours truly :)

Sunday, August 26, 2007

dahil ako ay tinag ni ate ekai at wala akong magawa...


...heto ang isang sarbey...well...parang isang sarbey.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - -

THE RULES:

Post these rules first:
*each blogger starts with 8 random facts/habits about themselves.
*bloggers that are tagged need to write on their own blog about their own 8 things and post these rules.
*at the end of your blog entry, you need to choose 8 people to get tagged and list their names.
*don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
MILES DOMINGO FACTOIDS:

1. Mga ilang buwan narin akong hindi nakakatulog sa sarili kong kama. Kama ko na ang sofa namin. Sa katunayan nga, andito na ang kumot at unan ko (hindi na iniaakyat ng nanay ko ang mga ito tulad ng dati). Malapit kasi sa sala si Gin (silver sa Hapon, at pangalan ng aking computer) pati na ang aking study table. So kung gusto mong malaman kung nagpuyat ako kagabi, tingnan mo ang sofa namin.

2. Laging magulo ang aking study table. AYAN NA! inaamin ko na, mama! haha. Pero may bagay na ang tawag ay "orderly chaos". Magulo nga, alam ko naman kung saan nakalagay ang bawat bagay na kakailanganin ko. Tsaka kaya lang naman natatawag na magulo ang mesa ko dahil sa mga scratch paper na nagtambak dito, which leads me to another factoid...

3. ...na isa akong pack rat. Ayokong magtapon ng mga maliit na bagay na sa palagay ko ay kakailanganin ko pa sa future o memorable para sa akin. Resibo sa isa sa mga pagkain namin ni Jericho sa labas? Tago. Papel ng biruan namin ng blockmates ko? Tago. Quizzes at long exams ko sa Botany nung first sem ng freshman year ko? Tago. Nakakaparanoid kasi. Malay ko ba kung kailanganin ko yung scratch paper ko sa first midterms ko sa Math 11? Bwahahahaha.

4. May fixation ako sa kulay itim, pula at orange. Oha. Halloween na halloween. Sa tuwing bibili ako ng damit, kahit marami siyang available na kulay, laging nakatuon ang aking pansin sa mga itim, pula at orange na versions ng damit na ito.

5. Breakdown ng allowance ko:

15% Pamasahe
40% School expenses (pagpapa-photocopy, printing, overdue fees, etc.)
25% Load
15% Ipon
5% Pagkain

6. Ayokong kumakain ng kahit anong malasa. Gusto ko ng matatabang na pagkain, o yung mga walang lasa. Sa katunayan nga, gustong gusto kong magngata ng yelo. Sarap kaya.

7. Tomboy magnet ata ako. *shiver*

8. Kinoconsider kong ultimate compliment ang mga puri ng mga bading. Sobrang natutuwa ako sa tuwing sinasabi sa akin ng mga bading na nagugupit sa akin na maganda ako, ang haba ng pilik mata ko, sexy ako, etc. haha. ang kapal. Asus. minsan lang naman to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang mga susunod na biktima ay sina:

Gerald Pascua
Janica Magat
Tina Sendin
Leo Sala
Karen Bustalinio
Maral EspaƱol
Gab de Leon
Jamie de Vera

Thursday, August 23, 2007

discovery number 38975644


Two days ago was the first day of my inevitable monthly cycle and I really hate it for coming at such a bad time.

I've been experiencing pretty bad cases of dysmenorrhea for the past few months. My pelvic area and my knees hurt like hell that I want to tear my entire reproductive system, put it in a glass jar, let it bleed all my menses out and then take it back in. It's implausible, and most of all disgusting, but that's what I wanted to do to put a stop to it. I can't concentrate much and I can't walk or sit properly without feeling a horrible jolt of pain. Not to mention it affects aesthtics. Wasted or haggard are ways to put it, but Cara, my blockmate put it in such a manner that I realized that I don't even wanted to see myself in a mirror while the "floodgates" are open (excellent metaphor, don't you think?). Cara stared at me for what seems like an eternity and said,

"Miles, you look dead."


Okaaay. Should I dance like Michael Jackson now?

When I finally realized that I was about to eviscerate myself because of pain and discomfort, I decided to take Mefanamic acid---a move I didn't want to do. I never took medicine for dysmenorrhea because I felt like I was lessening my body's natural ability to cope with pain. If I got used to it, I might as well take a dozen tablets for a prick on a finger. I was thankfully relieved---at least for the next four to six hours.

Thankfully, I was picked up by my dad and mom from school. Of all the things I hate doing, commuting during my period would most definitely be top ten. When I arrived home, I immediately lied down and curled up in a fetal position on the sofa. I closed my eyes and set up a plan of action in my head.

No, I won't take any more Ponstan, and no, I can't sleep this out.

I stood up, went up to my room, got some clothes and my towel and I took a bath. After which I sat on my study table and read, studied and read some more. After a while, I noticed that the pain was gone, and it didn't come back for at lease six hours.

NEW CURE FOR DYSMENORRHEA: studying.



Monday, August 20, 2007

tsk.


Apat na araw din nawalan ng pasok dahil sa mga pag-ulan.
Masaya sana, pero hindi rin naman ako nakapagbakasyon...at least hindi ang utak ko.

Bawing-bawi ako sa tulog at pahinga, pero sa tuwing gigising ako, gagambalain naman ako ng ideya ng school work ko na dapat kong gawin pero hindi ko ginagawa.

TASK LIST:

1. Chem prelab--done.
2. study for Biostat long exam--done.
3. study for Compa Ana long exam--started, but not yet done.
4. study for History midterms--not done!
5. Mama's video presentation for her trip to Korea--started, but not yet done.
6. Advance reading for chem--not done!
7. Catch up reading for theo--not done!

Procrastination at katamaran! Nakakainis.
Ang laking sayang sa oras ng mga araw na walang pasok. Sana may pasok nalang nung mga nakaraang araw. Mas productive talaga ako pag nasa eskwelahan...or pag galing akong eskwela tsaka uuwi sa bahay. Pag nalarga ako sa bahay, chill mode talaga ako eh. Namamatay ang workaholic self ko dito.

Tapos mamaya, nagpapasama si mama sa Quiapo. Nakow. Pano kaya ang pag-aaral ko?
Ayoko namang hayaang pumunta nanay ko mag-isa. So ayun. Mukhang sasama ako sa kanya.

Ayoko sanang mag-cram, pero sige. Wala na akong magagawa eh.
Tssssssskkkkk.
~~~~~~~~~
Happy sixth monthsary.. :)

Sunday, August 12, 2007

no secret can be hidden forever


The title is a maxim that has existed since God knows when, and yesterday, life gave me a hard blow that made me realize the reason why it has stood as a general truth for generations of human existence.

At about 3 in the afternoon my mother called me at my celphone when I was in the publications room in school.

"Camille."
"Po?"
"Saan ka?"
"School po, sa pub room. Bakit po?"

At that point, I took myself out of earshot of my fellow Matanglawin staffers.

"Anong oras ka uuwi?"
"Mga 6 po. Bakit, ma?"
"Umuwi ka na kaagad pagkatapos mo diyan."
"Ma, may problema po ba?"
"May pag-uusapan tayo."

Then the line went dead.

I have known my mother for so long that I knew just by listening to how she stresses her words that I was in trouble. I took my phone out of my ear and looked at it with disdain. I wished that I never had it that day.

I went back to the pub room with evident signs of emotional torture. My forehead was grazed with lines of deep thought, my hands were shaking and my eyes were moving around their sockets so much that it hurt my head. I sat down, took a piece of paper (a receipt from McDo lying in the table) and a pencil and wrote possible reasons for my mother's weird demeanor over the phone to pacify myself.

1. she knew that I smoked.
-either from the "Congratulations!" card that Jericho gave me for not smoking for weeks or from other people *gulp*

2. she already knew of our relationship.
-either from the little "logbook" that Jericho and I have or from my blog.

3. she saw our pictures in my folder in our pc.

I dropped the pencil and looked at my list. The smoking was the least of my problems, because I already quit. I was more nervous of the next two reasons. To think of reasons for my mother's call felt like a really bad case of hyperacidity, but rationalizing and thinking of what she'd do after she knew the truth was like evisceration.

My mother obviously hated smoking. She would kill me if she knew. For one, both of my grandfathers died of smoking, and I could die because of it because I was asthmatic. Besides, any parent would get hurt if their son or daughter tried to kill themselves via a vice. Worst case scenario: she'd throw a bitchfit, and make me smoke a whole case in front of her (now, where did I get this idea? Oh, yeah, the dad of a smoker friend did this to him when his father knew of his smoking habit). Two stick would make me woozy already, and I thought that I might end up a coma patient after a sucking and breathing in a whole case. *shudder*

When I was in high school, she was constantly preaching of the damage that romantic relationships bring to academic life. She obviously wasn't for it. All that she said kept me safe and relationship-less in high school, and I am eternally grateful for it. But today is just different.
Worst case scenario: she'll call my guy and demand answers, or she'll transfer me in UP.

I left the pub room early, and met Jericho outside to eat in Wok this Way(a thing that we usually due every Saturday). I told him about my mother's call and more signs of distress appeared. I may have many shaky moments with my mother and sometimes care less for what she has to say, but she is still my mother. I was so scared that I actually ate a full rice meal with meat (I usually give him 3/4 of my share of rice). I showed him my list of possible reasons, and he told me that it's going to be fine. If it's the smoking, he told me to apologize right away and listen to her venting of emotions. What's more, what matters is I already quit the damn habit. As for the last two reasons, he said that the day that my parents will know will eventually come, and it's just that it came today. Everything will be alright. Stop shaking, and don't cry.

I came home early from what the people in the house expected. My mother greeted me and said that she'd talk to me later.

I went up to my room and changed my clothes. When I went down to the dinner table, she asked me the question that felt like a guillotine falling that has miserably failed to cut my head off.

"Ano na nga uli yung dahilan kung bakit may lighter ka sa bag mo noon?"

I suddenly remembered the time when she saw my old purple lighter in my bag when she was looking for a pen. I told her it was for chem class.


*BREATHINBREATHOUTBREATHINBREATHOUTBREATHINBREATHOUT*
I felt like a hyperventilating chicken (Note: This is a simile for a very bad breathing pattern. Bio majors would understand why.).

I stared at my plate. Then she told me what she knew.

She was really angry and disappointed in me. She told me many things, and maybe a dozen of which made me sob and cry. I said I was sorry, and I told her that I quit. Then due to reasons that I probably wouldn't know and for conversation flows that I probably couldn't trace, we talked about Jericho and I.

And so there I was with two secrets that were tied to my legs and arms like ropes tied to two bulls running in opposite directions. My abdominal muscles were sick with tension, and so was my head. I felt a migraine fit coming on.

And so she knew of Jericho and I. She was just waiting for confirmation.
And...

I gave it to her.
Good job, mom. Hitting two birds with one stone.

After our talk, I was still a hyperventilated chicken. I grabbed my phone and I texted Jericho right away. I was shaking whilst punching the keys in my phone. I wondered why it took forever to type 14 words. Or maybe it was just me.

"Be, pinatawad na ako ni mama sa paninigarilyo ko noon. Tsaka...legal na tayo."

Saturday, August 11, 2007

ayos


Yah, I agrees with yous. (Kuha mula sa Tagaytay)

Mabuti pa ang bra. Hindi marunong mag-assume. Seemless kasi siya. (Kuha mula sa tiangge sa Circle C)

Oo nga naman. Heed warning, or else your fault! (Kuha mula sa isa sa mga trike na nasakyan ko pauwi)

~~~~~~~~~~~~~~~
Lahat ng picture na andito ay kuha mula sa aking sariling camera.
Sorry. Lait mode ako ngayon eh.
Bad trip kasi. Sakit ng dibdib ko. Tsk.

Thursday, August 09, 2007

magsusulat ako dito ng parang walang nagbabasa nitong blog ko


...at sana, huwag ninyo akong husgahan. Dahil blog ko naman ito, minarapat ko naring isulat dito ang isa sa aking mga naranasan na alam kong maaring makapagpabago ng tingin ng mga tao sa akin magpakailanpaman. Pero gusto ko lang malaman ninyong lahat na wala akong pakialam sa iisipin ninyo. Isinusulat ko ito dito upang gawing isang patunay na nalampasan ko na ang pagsubok na ito.

Noong summer, natuto akong manigarilyo.

Hindi ko alam, ngunit matagal ko nang gustong gawin ito. Malabo nga, kasi parehong lolo ko ay namatay dahil dito. Malabo kasi sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko iyon susubukan. May hika pa ako. Pero hayun. Sinubukan kong iwasan ito, pero mahina talaga ako.

Sinindihan ko ang una kong yosi (isang Philip) sa UP, isang gabing pauwi ako nang mag-isa. Para akong tanga. Pinilit kong gustuhin ang una kong hithit kahit hindi siya masarap sa pakiramdam. Para akong humithit ng usok galing sa sinisigaang mga kahoy o tambucho ng sasakyan pero pinilit kong gustuhin. At doon na nagsimula ang lahat.

Nakakaisang stick ako isang araw, na naglaon ay naging dalawa. Naging tatlo, ngunit pinilit kong huwag maging apat. Natuto ako kung paano magbuga ng pinong usok, at natuto rin ako kung paano magsalita nang hindi ibinubuga ang usok mula sa aking baga. Natuto't umunlad ako. Parang skill, kung baga.


Sinasabi sa bawat pakete at mga commercial sa TV na 'GOVERNMENT WARNING: smoking is dangerous to your health.' Alam ko ang katotohanan nito dahil isa akong maituturing na alagad ng siyensiya. Isang malaking kabalintunaan na isa akong Bio major na naninigarilyo. Alam ko ang mga kemikal na makakasama sa kalusugan na ipinapasok ng bawat stick sa katawan ko. Carbon monoxide, Fomaldehyde, Arsenic, pero nawalan ako ng pakialam. Ang iniisip ko na lang bilang panakip sa lahat ng mga alam ko bilang isang Bio major ay ang warning na yun ay galing naman sa gobyerno. Putsa, sino pa ba ang naniniwala sa gobyerno? Nakakatawa mang isipin, pero ang pangangatuwirang ito ay matagal ko nang naisip bago pa man ako nagsimulang manigarilyo. Sinasabi ko pa nga na dapat nakalagay ay 'Surgeon general warning', hindi 'government warning'. Baka sakaling marami pa itong mapatigil sa pagyo-yosi. Pero base sa aking naranasan, palitan man ang warning sa bawat pakete at commercial ng sigarilyo ay mukhang hindi ito magkakaroon ng epekto sa mga tumatangkilik ng Philip, Marlboro at Dunhill katulad ko.

Sa bawat pag-uwi ko, naamoy ko ang amoy ng aking lolo matapos niyang manigarilyo sa aking sarili matapos kong umubos ng isang stick. Ang nakakatawa rito ay hinding-hindi ko nagustuhan ang amoy na iyon noong bata pa ako. Hindi ko akalain na ganoon rin pala ang aking magiging amoy sa hinaharap.

Masarap magsindi, humithit at bumuga. Ngunit hindi masarap magtago habangbuhay. Menthol candy at paglalagay ng pabago ang pader ko mula sa paghihinala ng mga taong nakapaligid sa akin. Isa pa, magaling akong mag-deny. Minsan naamoy ako ng aking kapatid. Sabi ko naninigarilyo ang katabi ko sa antayan ng jeep sa UP. Naniwala siya, gaya ng iba.

May thrill man ang pagtatago, hindi rin maikakaila na mahirap mabuhay ng may tinatago. Lagi akong takot. Bago ako sumindi ay sinisigurado ko munang walang makakakilala sa akin. Pumupunta lamang ako sa mga smocket kapag gabi na. Nakakasawa sa pakiramdam. Hindi ko rin ito nakayanang itago sa mga tao, lalo na sa mga taong mahal ko.

Nagkaroon kami ng pangako ni Jericho sa isa't isa. "You smoke, I smoke." Nangangahulugan na sa aking paninigarilyo ay puwede na rin siyang sumindi kagaya ko. Hindi ko nakayanan ang imaheng nakita ko sa utak ko.

Sinabi ko narin kay Jericho noong gabi ng debut ng aking kaibigan sa Laguna.

Umiyak siya. Nasaktan.
Noon ko lamang naisip kung gaano ko siya sinaktan sa aking ginawa. Ipinlano ko pa naman na itago ito sa kanya hangga't sa kaya ko.
Wala akong narinig mula sa kanya kundi ang mga tanong niya. Kailan. Ilan. Bakit.

Bakit.

Inisip noon kung bakit ako nag-yoyosi, at marami akong naibigay na dahilan. Stressed ako, at naghahanap ako ng compensation sa itinigil kong gawain. Lingid sa kaalaman ng karamihan na isinusuka ko ang aking mga kinakain. Tumigil ako dahil may taong tinulungan akong tigilan ito. Ngunit nang tumigil akong magsuka ay naghanap ako ng stress reliever, at tila yosi ang sumagot sa aking paghahanap. Isa pa, mas nakakapag-isip ako pag sumindi na ako. Mas nalilinaw ang mga bagay na malabo, at marami akong naiisip na naiisip ko kapag mahilo-hilo ako sa usok. Pero, hindi ko iyon ginawa dahil pa-cool ako. Putsa. Asa. Alam kong smoking isn't cool. Sabi ko nga, kung pa-cool lang ako, bakit ko ito itinatago sa karamihan? Anong cool sa pagsira sa sarili mong mga baga?

Pero kahit na may ikinatuwiran ako sa kanya, umiyak din ako. Humigi ng tawad.

Sa ngayon ay mag-iisang buwan na akong walang nikotina sa katawan. Tinigilan ko ito sa tulong ni Jericho. Naagapan ang pagsira ko sa sarili kong mga baga.

Maraming tanong ang nasasagot sa aking pagyoyosi, ngunit hindi ko napansin na mas maraming tanong pa ang naibabalik nito sa akin. Hindi sagot ang aking nakukuha, ngunit mas marami pang tanong na maaring hindi ko na masagot dahil unti-unti kong inuubos ang buhay ko.

Hindi ko itatanggi na kahit papaano ay naiisip ko parin ang pakiramdam ko noong naninigarilyo pa ako. Siguro may parte sa akin na naiisip ang lasa ng usok sa labi sa tuwing may nakikita akong naninigarilyo. Cliche man pakinggan, pero may parte sa akin na ayaw nang balikan ang gawaing iyon dahil mas marami ang mawawala sa akin kapag naulit pa iyon. Sabi nga ni Jericho, gawin ko ito para sa akin at sa magiging mga anak ko sa hinaharap. Sa palagay ko, husto nang dahilan ito para tumigil ako ng tuluyan.

Friday, August 03, 2007

The Tinalupang Muning Chronicles part 1


First compa ana lab session with kitty.
phase 1: skinning.

Fig 1.1 Kitty dorsally positioned


Fig 1.2 Kitty Ventrally Positioned


Fig 1.3 "Cute ko sana, pero !@$%, wala na pala akong balat"

Fig 1.4 Ang salarin

Fig 1.5 "Sige hala. Ngiti pa. !@#$%^& niyo."

Wednesday, August 01, 2007

isang pagsusuri sa lipunan gamit ang tsinelas


Sa tuwing aalis ako papuntang eskwelahan ng naka-tsinelas, hindi mapigilan ng nanay kong sabihan ako tungkol dito, gaya na lamang nung isang araw. Kesyo daw hindi tama na nakatsinelas lang ako dahil hindi naman palengke pupuntahan ko, at hindi ito tamang gayak ng isang estudyante ng Ateneo. Buti nga daw sana kung Havaianas ang mga flip-flops ko.

Kung may ikagugulat man ako sa huling pahayag ng aking ina, hindi ito ang paghihiwatig niyang alam niya pala ang tatak ng tsinelas na Havaianas, kung hindi ang burgis na pagtingin niya sa dapat isuot ng mga taong pumapasok sa Ateneo. Dito na pumasok sa aking isipan ang matinding pagbabago sa mga bagay-bagay sa kontemporaryong panahon, lalo na sa mga simbulo ng kahirapan at karangyaan.

Nakakatawang isipin na noon ay simbulo ng kahirapan ang tsinelas. Noon, ang mga nagsusuot lamang ng tsinelas sa labas ng kanilang mga tahanan ay mga taga-probinsya at baryo. Kapag isinuot mo ang iyong tsinelas bilang panlabas--pansimba, pagpunta sa parke upang mamasyal, panonood ng sine o di kaya'y simpleng paglalakad sa mga kalye ng Maynila--ay dukha ka na at walang class ang tingin sa iyo. Naikukuwento sa akin ng aking ina na noong kolehiyo pa sila ay talagang pinahahalagahan nila ang kanilang mga sapatos. Alagang-alaga ang mga ito kahit na araw-araw nila itong ginagamit pampasok sa eskuwela't panlabas. Hindi ka puwedeng pumasok ng Unibersidad kung nakatsinelas ka lamang. Nang nauso ang mga mall bilang mga pasyalan ng karamihan ay mas tumindi ang pangit na tingin sa mga tsinelas at sa mga nagtsitsinelas. Naalala ko noong pa bata ako ay hindi kami maaring pumunta ng mall ng naka-tsinelas lamang. Kelangang naka rubber shoes o di kaya'y clogs ayon sa aming ina. May mga nakapaskil kasi sa mga entrance ng mall na nagsasabing

The following are not allowed inside the mall premises:

-Pets
-People wearing sandos, shorts and rubber slippers

Ngayon ko lamang naisip na tila ibinaba sa lebel ng mga alagang hayop ang mga taong naka-sando, shorts at tsinelas noon.

Ngayon, hindi ko na kailangan pang ipaliwanag o ilarawan pa ang nauuso sa kasalukuyan. Ako mismo ay bahagi nito, at alam kong marami sa inyo ay nakasakay sa bandwagon na ito, malay man kayo o hindi. Dito ko nakikita kung gaano ako namamangha at napapaisip tungkol sa kapangyarihan ng mga mayayaman sa mga lipunan ng mundong ito. Nakakaya nilang baliktarin ang mga reyalidad na dati'y hindi katanggap-tanggap at hubugin ito bilang isang bagong norm. Isang tradisyunal ngunit magandang halimbawa nito ang foot binding na isinasagawa ng mga sinaunang mga babae sa Tsina. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog na ito sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa ng paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. Sinasabing ito ay nagmula sa royal court nang may isang prinsesa na pinanganak na maliit at walang porma ang kanyang mga paa. Upang hindi isipin ng prinsesa na hindi siya normal at nakakadiri ang kanyang kalagayan ay ipinagutos ng emperador na ang lahat ng paa ng mga babae sa kanyang palasyo ay gayahin ang kalagayan ng prinsesa sa pamamagitan ng foot binding. Isinasagawa lamang ito ng mga mayayaman sa lipunan noon sa mga batang babae, ngunit nang naglaon ay isinagawa na rin ito ng mga magsasaka't commoner sa kanilang mga anak. Maaring ginawa nila ito upang maitaas naman ng kahit kaunti ang kanilang estado sa lipunan. Kung mailalagay sa iilang salita ito ay masasabing "Vertical mobility by breaking the foot". Ang halimbawang ito ay nasa kasukdulan kumpara sa pagtsitsinelas, ngunit pareho sila ng paraan ng pagpasok sa ating lipunan bilang katanggap-tanggap. Sa pagtsitsinelas naman, siguro naging katanggap-tanggap ito nang minsang pumasok si Jaime Zobel de Ayala sa isa sa mga mall niya nang nakatsinelas. Ayun naman ay hula ko lamang.

Havaianas man o hindi, ay patuloy parin akong magsusuot ng tsinelas. Una dahil kumportable ang mga ito sa paa, at pangalawa, dahil uso siya. Wala pa ako sa kondisyon ng pag-iisip na maging isang total deviant. At sa palagay ko, wala pang kolektibo at istrakturang panlipunan ang nasa estadong ito.

You summoned me, yes?

You have just accessed Miles Domingo's online portal of thoughts and what-nots of three years. Bear in mind, dear reader, that the thoughts here are not yours to criticize unforgivably, but they are here simply just for your reading pleasure and understanding.
I would love to hear what you have to say, so please feel free to leave a comment by clicking the link below each post, or by simply leaving a short message in the tagboard below.
Also, please don't forget to return and read again. I would surely appreciate it.:)

This site is best viewed using Internet Explorer 6.0.

Untie the red string.

camille fajardo domingo. miles. kim. kaiserin. dyosa. chibi. baby. 18 years old. January 25,1989. Aquarian. Ateneo de Manila University, BS Biology. atenean scholar. Biologist in the making. sophomore. Block L2. [English] Block R36. GABAYano. Matanglawin--lapatan-eer. Quezon City Science High School, Batch 2006. Avo-I, Curie-II, Curie-III, Avo-IV. School of the Holy Spirit, Batch 2002. debater. vice president--Quesci debate society. MCDO(Mga Cute Debating Originals) member. book lover. orange. black. red. stars. caffeine addict in rehabilitation. Lacto-ovo pescestarian by choice. net-aholic. serial procrastinator. workaholic [na tamad. how ironic, isn't it?].

Summon me again.

email: miles.domingo@gmail.com
friendster: miles_dyosa@yahoo.com [add me up!]
Ym: miles_dyosa
Home phone: 9*7**9*
Cel number: 091*7*5**91

Make restitution to me.



Recent requests

No, I am not throwing you out, blog
Things I Want to Say to Random People Part 1
ADM 102: Introduction to Ateneo-La Salle Games
yesterday was only 2 hours ago
everybody's changing
nice to know you, goodbye
For my family
no harm meant, I'm just puzzled.
I may be out of its walls now, but silence is real...
an entry on my second mug of green tea


Dug graves

December 2004
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008



Ferry yourselves out.

Scientians
ace + adam.geraLd + anna cee. + ate anna + ate karen b.(atenista din to) + ate vani
+ benzon fafaboLs + bricci + chacha.cynthia + claudio + daven + desa + dina + gab psychOtie + gab sycophite + g_b + gelynne + geraLd + grace + hazeL v. + hazeL v.2 + ina + ivy sheryL + jamayca + jamie evon + jamiee + janica + hihirit pa si irbeng + jenny + jude + justin + kim.gonzales + kassandra + Loraine + meLa + phimie + pikseLot + raphael + tetet + tetet uLit + toki + vaLen + ziella +

Ateneans
ate ekai + ate maral + ate marian kambal + ate tina + ate tina muli + ate tina: the career woman :) + cara + haizell + josh + kuya kalil + kuya maki + kuya randy + kuya randy.2 + leo + sir ron cruz + sir yol jamendang +

Life and the times of people I dunno
Taga-Makati + Inday +


The eternal twilight

The Kaiserin's Multiply Site + Miles' Deviant art site + Miles and Jericho's blog + People for the Ethical Treatment of Animals + The Blue Eagle's Aerie + The Ateneo Debate Society + The Guidon + The Guidon: Alt+G + Ang Matanglawin + Aisis Sucks(?) + Bulatlat + CNN + Scientian forums +


Exacting your revenge

[Layout by Che]
[Main Codes by Dark Angel]
[Image by Miles]
[ Skin from Blogskins]
[ Photo hosting by Photobucket]
[ Tagboard by Cbox]
[ Comments and Trackbacks by Haloscan]
[ Blog Powered by Blogger]


Free 

Web Counter
thanks guys..

Personal - Top Blogs Philippines
Pinoy-Blogs.com

Personal Blogs Blog Directory
The Overridden Queen at Blogged