Apat na araw din nawalan ng pasok dahil sa mga pag-ulan.
Masaya sana, pero hindi rin naman ako nakapagbakasyon...at least hindi ang utak ko.
Bawing-bawi ako sa tulog at pahinga, pero sa tuwing gigising ako, gagambalain naman ako ng ideya ng school work ko na dapat kong gawin pero hindi ko ginagawa.
TASK LIST:
1. Chem prelab--done.
2. study for Biostat long exam--done.
3. study for Compa Ana long exam--started, but not yet done.
4. study for History midterms--not done!
5. Mama's video presentation for her trip to Korea--started, but not yet done.
6. Advance reading for chem--not done!
7. Catch up reading for theo--not done!
Procrastination at katamaran! Nakakainis.
Ang laking sayang sa oras ng mga araw na walang pasok. Sana may pasok nalang nung mga nakaraang araw. Mas productive talaga ako pag nasa eskwelahan...or pag galing akong eskwela tsaka uuwi sa bahay. Pag nalarga ako sa bahay, chill mode talaga ako eh. Namamatay ang workaholic self ko dito.
Tapos mamaya, nagpapasama si mama sa Quiapo. Nakow. Pano kaya ang pag-aaral ko?
Ayoko namang hayaang pumunta nanay ko mag-isa. So ayun. Mukhang sasama ako sa kanya.
Ayoko sanang mag-cram, pero sige. Wala na akong magagawa eh.
Tssssssskkkkk.
~~~~~~~~~
Happy sixth monthsary.. :)
# correspondence ended @
8:48 AM
|