...heto ang isang sarbey...well...parang isang sarbey.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - -
THE RULES:
Post these rules first:
*each blogger starts with 8 random facts/habits about themselves.
*bloggers that are tagged need to write on their own blog about their own 8 things and post these rules.
*at the end of your blog entry, you need to choose 8 people to get tagged and list their names.
*don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
MILES DOMINGO FACTOIDS:
1. Mga ilang buwan narin akong hindi nakakatulog sa sarili kong kama. Kama ko na ang sofa namin. Sa katunayan nga, andito na ang kumot at unan ko (hindi na iniaakyat ng nanay ko ang mga ito tulad ng dati). Malapit kasi sa sala si Gin (silver sa Hapon, at pangalan ng aking computer) pati na ang aking study table. So kung gusto mong malaman kung nagpuyat ako kagabi, tingnan mo ang sofa namin.
2. Laging magulo ang aking study table. AYAN NA! inaamin ko na, mama! haha. Pero may bagay na ang tawag ay "
orderly chaos". Magulo nga, alam ko naman kung saan nakalagay ang bawat bagay na kakailanganin ko. Tsaka kaya lang naman natatawag na magulo ang mesa ko dahil sa mga scratch paper na nagtambak dito, which leads me to another factoid...
3. ...na isa akong pack rat. Ayokong magtapon ng mga maliit na bagay na sa palagay ko ay kakailanganin ko pa sa future o memorable para sa akin. Resibo sa isa sa mga pagkain namin ni Jericho sa labas? Tago. Papel ng biruan namin ng blockmates ko? Tago. Quizzes at long exams ko sa Botany nung first sem ng freshman year ko? Tago. Nakakaparanoid kasi. Malay ko ba kung kailanganin ko yung scratch paper ko sa first midterms ko sa Math 11? Bwahahahaha.
4. May fixation ako sa kulay itim, pula at orange. Oha. Halloween na halloween. Sa tuwing bibili ako ng damit, kahit marami siyang available na kulay, laging nakatuon ang aking pansin sa mga itim, pula at orange na versions ng damit na ito.
5. Breakdown ng allowance ko:
15% Pamasahe
40% School expenses (pagpapa-photocopy, printing, overdue fees, etc.)
25% Load
15% Ipon
5% Pagkain
6. Ayokong kumakain ng kahit anong malasa. Gusto ko ng matatabang na pagkain, o yung mga walang lasa. Sa katunayan nga, gustong gusto kong magngata ng yelo. Sarap kaya.
7. Tomboy magnet ata ako. *shiver*
8. Kinoconsider kong ultimate compliment ang mga puri ng mga bading. Sobrang natutuwa ako sa tuwing sinasabi sa akin ng mga bading na nagugupit sa akin na maganda ako, ang haba ng pilik mata ko, sexy ako, etc. haha. ang kapal. Asus. minsan lang naman to.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang mga susunod na biktima ay sina:
Gerald Pascua
Janica Magat
Tina Sendin
Leo Sala
Karen Bustalinio
Maral EspaƱol
Gab de Leon
Jamie de Vera
# correspondence ended @
8:18 AM
|