Ang alaala ng nakaraang
pag-ibig
ay parang isang papel na rosas
na dinidiligan ng ulan.
Kumukupas ang
kulay.
Sumasama sa tubig
na humahalik at dumadanti
sa bawat sabong na marahang
tumitiklop at lumulukot
upang pilit na iligtas
ang kulay na
tumutulo, dumadaloy.
Tumatakbo.
Palayo.
Para kay Ate Maral Angel EspaƱol.July 4, 2007
# correspondence ended @
3:27 AM
|