Sa bawat latay at
hinanakit na dala
ng kabiguan na naitatanim
sa diwa't kaluluwa
ay aagos at dadanak
ang dugo
mula sa budhing
tinarakan.
Dugo
na ang produktong ningas
ay higit na mainit at masidhi
kaysa sa gasolinang sinilaban.
Pilit na hahanapin
ang kapalit ng sakit
na tila kalunasan din nito:
and paghihiganting
hindi matatawaran
na siyang pilit na
ilalatay at ididiin
sa balat at katawan
ng gagantihan.
sisiguraduhing
hinding-hindi malilimot
at paulit-ulit itong madarama
sa katawan
pati na sa kanyang kaluluwa.
Ang dugong kinuha't pinaagos niya
ay ang dugong siyang susunog din sa kanya.
July 8, 2007
# correspondence ended @
4:44 AM
|