Kahapon, matapos ang huli kong klase at makipagkita kay Jericho, pumunta ako sa Matteo para aralin pa ang mga kalansay ng hayop na hiniram ko galing sa CompaAna lab. Papasok sana ako para
aircon, pero naisip ko na huwag nalang dahil maingay ako magsaulo. Baka sa kaka-
recite ko ng mga pangalan ng buto pagkamalan pa akong na-eenkanto o nangungulam ("Rostrum, rostral fenestrae..."). Mukha pa namang props sa
witchcraft yung mga buto, kulang nalang kandila. Titiisin ko nalang ang init, kesa naman sa mapalabas o di kaya'y i-
exorcise ako ni manong guard.
Matapos umupo sa steps, naisip kong unahin ang pagong, dahil isa yun sa mga hayop na hindi ko pa naaral kahit kailan. Tapos isinunod ko ang pating. Gamit ang isang maiksing lapis na panturo sa mga parte ng kalansay at si Duran-Duran (lab manual namin sa CompaAna na nahirapan akong hanapin), sinubukan kong magsaulo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na kailangan kong magsasaulo ng maraming bagay, dahil mga ilang buwan at semestre ko narin itong ginagawa. Aaminin kong medyo nahihirapan ako dahil hindi ako yung tipo ng tao na mahilig/magaling sa pagsasaulo, ngunit matatandaan ko ang mga bagay-bagay kapag alam ko ang gamit o relasyon nito sa iba pang bagay. Ang labo nga eh. Kapag nalalaman ito ng mga tao, ang unang tanong nila sa akin, "E bakit ka nag-Bio kung hindi ka mahilig sa
memorization?" Tuwing sinasabi sa akin ito, hindi ko mapigilang isipin na isa itong paghamak sa totoong ginagawa ng mga Biology majors sa kanilang pag-aaral. Nakakainis isipin na marami ang nagsasabi na
good memory at pagiging
bookish lamang ang kailangan mo para makapasa o di kaya'y makakuha pa ng magagandang mga marka sa kursong ito. Pero hindi naiisip ng karamihan na hindi lang kami basta nagsasaulo. Totoo na mahalagang bahagi ito ng aming pag-aaral bilang mga alagad ng siyensiya, ngunit anong kuwenta ng pagsasaulo kung hindi mo naman naiintindihan kung bakit ganyan ang tawag sa bagay na iyon, bakit ganyan ang disenyo nito at kung ano ang relasyon o gamit nito kung iuugnay ito sa iba pang parte. Naisip ko ito bigla kahapon dahil marami sa aking mga kakilalang
Bio major (sa Ateneo man o hindi) ay kinukumpirma at pinapatunayan pa ang stereotype na ito sa halip na baliin ang ganitong paniniwala. Hindi ko sila masisisi kung ganiyan ang kanilang
learning style, pero sana maisip nila na ang purong pagkakabesa lamang ay hindi sapat upang maging isang doktor o
biologist. Hindi ko sinasabi na mali ang ganitong
learning style, hindi rin ako nanlalait, at lalong hindi ko sinasabi na ang
learning style ko ang tama. Nasasaktan lang kasi ako para sa aming mga
Bio major na ibinababa sa imahe ng isang makinang may
AI---maraming alam, pero hanggang memoryadong kaalaman lamang. Wala ang mismong kaluluwa ng paghahanap ng kaalaman, ang
pag-intindi, pag-uugnay at aplikasyon. Kailangan ito sa kahit saang disiplina,
science course man ito o hindi.
Sana mabali na ang ganitong paniniwala, ngunit marami mga bagay na sadyang sinusuportahan at pinapatibay pa ang ganitong
stereotypical na pagtingin sa kurso namin. Ang masama pa rito ay karamihan pa sa mga bagay na ito ay nasa loob mismo ng sistema ng mga Bio
department ng iba't ibang mga pamantasan, kolehiyo man ito o paaralang pangsekondarya. Maraming mga
high school at
college students ang suklam na suklam sa Bio dahil puro daw ito memorization. Hindi ko sila masisisi, dahil ito ang bakas na iniiwan ng mga guro at propesor sa Bio na purely objective ang mga
teaching at
testing style. Oo, mahalaga ang pagi-
identify o page-
enumerate ng mga terminolohiya. Ngunit ang sistemang ganito ay gumagawa ng lamat sa
analytical property ng asignaturang ito. Naiisip tuloy ng karamihan na walang dapat suriin sa mga paksa sa Bio. Isang ebidensiya nito ay nabanggit ko na sa itaas: ang stereotype na
good memory lamang at aklat ang kailangan mo sa Bio.
Hindi ka mabubuhay sa kahit anong kurso gamit ang magaling na memorya lamang. Sana maisip ng bawat estudyante ang tunay na kahulugan ng salitang
mag-aral.
Ang masasabi ko lang sa mga taong may ganitong mentalidad ay ito:
CHE!!(waha. Chos.)
~~~~~~~~~~~~~~
Shet. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-
misleading pala ng
title ng entry na ito. Hindi ko kinain ang laman ng pusang iyan ha. Iniiwasan ko narin palang kumain ng
Ma-Ling sa takot ko na baka ang laman ng mga kalansay na inaaral namin ay hinalo pala dito upang gawing paboritong piniritong agahan ng mga Pilipino. Ang masasabi ko lang, YAK.
CompaAna lab exam ko mamayang 2.30-3.30. wah. Panginoon, patnubayan niyo po ako.
WOOH!
Panalo Ateneo sa game kahapon versus La Salle! Haha!
Galing ni History 16 classmate! Waha! :)
# correspondence ended @
3:33 AM
|