Would you like to try dying this once?
Image done by yours truly :)

Friday, July 27, 2007

sarap to the bones



Kahapon, matapos ang huli kong klase at makipagkita kay Jericho, pumunta ako sa Matteo para aralin pa ang mga kalansay ng hayop na hiniram ko galing sa CompaAna lab. Papasok sana ako para aircon, pero naisip ko na huwag nalang dahil maingay ako magsaulo. Baka sa kaka-recite ko ng mga pangalan ng buto pagkamalan pa akong na-eenkanto o nangungulam ("Rostrum, rostral fenestrae..."). Mukha pa namang props sa witchcraft yung mga buto, kulang nalang kandila. Titiisin ko nalang ang init, kesa naman sa mapalabas o di kaya'y i-exorcise ako ni manong guard.

Matapos umupo sa steps, naisip kong unahin ang pagong, dahil isa yun sa mga hayop na hindi ko pa naaral kahit kailan. Tapos isinunod ko ang pating. Gamit ang isang maiksing lapis na panturo sa mga parte ng kalansay at si Duran-Duran (lab manual namin sa CompaAna na nahirapan akong hanapin), sinubukan kong magsaulo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kailangan kong magsasaulo ng maraming bagay, dahil mga ilang buwan at semestre ko narin itong ginagawa. Aaminin kong medyo nahihirapan ako dahil hindi ako yung tipo ng tao na mahilig/magaling sa pagsasaulo, ngunit matatandaan ko ang mga bagay-bagay kapag alam ko ang gamit o relasyon nito sa iba pang bagay. Ang labo nga eh. Kapag nalalaman ito ng mga tao, ang unang tanong nila sa akin, "E bakit ka nag-Bio kung hindi ka mahilig sa memorization?" Tuwing sinasabi sa akin ito, hindi ko mapigilang isipin na isa itong paghamak sa totoong ginagawa ng mga Biology majors sa kanilang pag-aaral. Nakakainis isipin na marami ang nagsasabi na good memory at pagiging bookish lamang ang kailangan mo para makapasa o di kaya'y makakuha pa ng magagandang mga marka sa kursong ito. Pero hindi naiisip ng karamihan na hindi lang kami basta nagsasaulo. Totoo na mahalagang bahagi ito ng aming pag-aaral bilang mga alagad ng siyensiya, ngunit anong kuwenta ng pagsasaulo kung hindi mo naman naiintindihan kung bakit ganyan ang tawag sa bagay na iyon, bakit ganyan ang disenyo nito at kung ano ang relasyon o gamit nito kung iuugnay ito sa iba pang parte. Naisip ko ito bigla kahapon dahil marami sa aking mga kakilalang Bio major (sa Ateneo man o hindi) ay kinukumpirma at pinapatunayan pa ang stereotype na ito sa halip na baliin ang ganitong paniniwala. Hindi ko sila masisisi kung ganiyan ang kanilang learning style, pero sana maisip nila na ang purong pagkakabesa lamang ay hindi sapat upang maging isang doktor o biologist. Hindi ko sinasabi na mali ang ganitong learning style, hindi rin ako nanlalait, at lalong hindi ko sinasabi na ang learning style ko ang tama. Nasasaktan lang kasi ako para sa aming mga Bio major na ibinababa sa imahe ng isang makinang may AI---maraming alam, pero hanggang memoryadong kaalaman lamang. Wala ang mismong kaluluwa ng paghahanap ng kaalaman, ang pag-intindi, pag-uugnay at aplikasyon. Kailangan ito sa kahit saang disiplina, science course man ito o hindi.

Sana mabali na ang ganitong paniniwala, ngunit marami mga bagay na sadyang sinusuportahan at pinapatibay pa ang ganitong stereotypical na pagtingin sa kurso namin. Ang masama pa rito ay karamihan pa sa mga bagay na ito ay nasa loob mismo ng sistema ng mga Bio department ng iba't ibang mga pamantasan, kolehiyo man ito o paaralang pangsekondarya. Maraming mga high school at college students ang suklam na suklam sa Bio dahil puro daw ito memorization. Hindi ko sila masisisi, dahil ito ang bakas na iniiwan ng mga guro at propesor sa Bio na purely objective ang mga teaching at testing style. Oo, mahalaga ang pagi-identify o page-enumerate ng mga terminolohiya. Ngunit ang sistemang ganito ay gumagawa ng lamat sa analytical property ng asignaturang ito. Naiisip tuloy ng karamihan na walang dapat suriin sa mga paksa sa Bio. Isang ebidensiya nito ay nabanggit ko na sa itaas: ang stereotype na good memory lamang at aklat ang kailangan mo sa Bio.

Hindi ka mabubuhay sa kahit anong kurso gamit ang magaling na memorya lamang. Sana maisip ng bawat estudyante ang tunay na kahulugan ng salitang mag-aral.

Ang masasabi ko lang sa mga taong may ganitong mentalidad ay ito: CHE!!

(waha. Chos.)
~~~~~~~~~~~~~~
Shet. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-misleading pala ng title ng entry na ito. Hindi ko kinain ang laman ng pusang iyan ha. Iniiwasan ko narin palang kumain ng Ma-Ling sa takot ko na baka ang laman ng mga kalansay na inaaral namin ay hinalo pala dito upang gawing paboritong piniritong agahan ng mga Pilipino. Ang masasabi ko lang, YAK.

CompaAna lab exam ko mamayang 2.30-3.30. wah. Panginoon, patnubayan niyo po ako.

WOOH! Panalo Ateneo sa game kahapon versus La Salle! Haha! Galing ni History 16 classmate! Waha! :)

Wednesday, July 11, 2007

Pagpapatikim: Tamis at Pait ng Paghihiganti


Sa bawat latay at
hinanakit na dala
ng kabiguan na naitatanim
sa diwa't kaluluwa
ay aagos at dadanak
ang dugo
mula sa budhing
tinarakan.

Dugo
na ang produktong ningas
ay higit na mainit at masidhi
kaysa sa gasolinang sinilaban.

Pilit na hahanapin
ang kapalit ng sakit
na tila kalunasan din nito:
and paghihiganting
hindi matatawaran
na siyang pilit na
ilalatay at ididiin
sa balat at katawan
ng gagantihan.

sisiguraduhing
hinding-hindi malilimot
at paulit-ulit itong madarama
sa katawan
pati na sa kanyang kaluluwa.

Ang dugong kinuha't pinaagos niya
ay ang dugong siyang susunog din sa kanya.


July 8, 2007

Tuesday, July 10, 2007

Isa pang blog?


Napapansin ko ang hilig ko sa pagsusulat ng mga tula at ang dumaraming bilang ng aking mga naisusulat na katha.

Naisip ko tuloy na gumawa pa ng isa pang blog para sa aking mga akda, pero baka self-defeating ang purpose nito.

Ano sa palagay ninyo?

Tulungan niyo naman ako sa pagpapasya.

~~~~~~~~~~~
Upang magsabi ng kuro-kuro ukol dito, maglagay na lamang ng isang comment para sa post na ito. Ang link para sa mga komento ay matatagpuan sa ibaba ng bawat sulatin sa blog na ito.

Haha. Parang show lang sa radyo ah.

Sunday, July 08, 2007

endure, but up to what point?


1. Gusto ko ng pera...maraming maraming pera. Para san?

Pangbayad sa dorm.
Pambili ng bagong calculator.
Pambili ng one year supply ng nicotine gum.
Pambili ng tatlong bote ng Lipovitan Ira araw-araw para labanan ang pagod at ang kagustuhang matulog matapos mag-commute ng dalawang oras.

2. Sana lumakas ako. Kahit konti lang. Ang hina-hina ko na.

Friday, July 06, 2007

Papel na Rosas


Ang alaala ng nakaraang
pag-ibig
ay parang isang papel na rosas
na dinidiligan ng ulan.

Kumukupas ang
kulay.
Sumasama sa tubig
na humahalik at dumadanti
sa bawat sabong na marahang
tumitiklop at lumulukot
upang pilit na iligtas
ang kulay na
tumutulo, dumadaloy.
Tumatakbo.
Palayo.


Para kay Ate Maral Angel EspaƱol.
July 4, 2007

Monday, July 02, 2007

binigyan ako ng buhay ng isang matamis na surpresa


Sige. Gusto ko sanang hindi na kayo bitinin pa, ngunit alam ko na kapag nabasa niyo na ang diwa ng sulating ito ay baka pindutin niyo na ang ekis sa itaas ng inyong mga screen. Kaya, hala, sige, papatayin ko muna kayo sa kasabikan.

Pumasok ako sa klase ko sa History 16 (Asian History) noong tumunog na ang bell. Kagaya ng dati, nag-ingay kami ng aking mga blockmate ng kaunti. Kaunting tawanan at biruan, ngunit nang dumaan ang ilang minuto ay natahimik kami, lalo na kaming ang mga babae. Kung dala ito ng gulat o pagtataka, ay hindi ko alam. May taong naka-upo sa mga silya sa likuran, at sa pagkakatanda naming lahat ay hindi namin siya kaklase. Sinabi sa akin ni Sheena na baka nasa maling silid siya, o nagkaroon siya ng klase dito at hindi pa siya umaalis. Tumango ako, dahil malaki ang posibilidad na ayon nga ang pangyayari.

Napagisip-isip ko na umupo na lamang sa aking silya habang tinitingnan ang taong naka-upo sa likod. Subsob siya sa kaniyang binabasa, at wari'y hindi niya binibigyang pansin ang mga titig ng lahat sa kanya. Sa aking pag-upo ay napansin kong may hindi pa pala ako nagagawa. Ako kasi ang naatasan ng aming guro na si Binibining Coo na ilabas ang bakanteng silya sa aking tabi upang ipangharang sa pintuan na walang door stopper. Nang maiharang ko na ang upuan ay may nagsalita sa aking tabi.

"Excuse me, puwede ko bang kunin `tong upuan?"

Lumingon ako, at nakita ko ang lalaking naka-upo kanina sa likod ng silid. Ang tangkad niya. Kinailangan ko pang tumingala ng bahagya upang makita ang kanyang mukha.

"Ahhh...sige. Ayos lang. Wala namang gagamit." Sagot ko.

Ngumiti siya, bumulong at tumango ng pasasalamat, at saka binuhat ang silya palayo. Bumaling ang aking tingin sa pintuang nakasara na ngayon. Pumikit ako at sinabi sa sarili na patay ako sa aking guro.

Ilang minuto pa ang dumaan at pumasok na ang aming guro sa silid. Inantay kong pansinin niya ang nakapinid na pintuan, ngunit hindi niya ito ginawa. Napabuga ako ng hangin. Akala ko magagalit siya.

Sa aming pag-upo ay sakto namang tumunog ang pangalawang bell. Nagtanong siya ng kaunti tungkol sa aming mga babasahin, kung sino pa ang hindi nakakakuha ng mga ito, atbp. Ang aking diwa'y nakatuon na sa aming guro, ngunit biglang sumagi sa aking isipan ang lalaki sa likod. Lumingon ako, at nakita ko siyang muli. Napakunot ang aking noo, dahil hindi tama ang hula namin ni Sheena. Nagbabasa parin siya, at dahil dito ay natuon ang aking pansin sa puting papel na kaniyang binabasa. Gumalaw ang kaniyang kamay upang ilipat ang pahina ng kaniyang binabasa. Napatitig ako at natigilan. Isa sa mga pahina ng mga papel na kaniyang binabasa ay lubhang napakapamilyar. "Tzu Hsi: The Dragon Empress of China". Lumaki ang aking mga mata habang nabubuo na sa aking isipan ang isang malaking posibilidad na itinatwa namin ni Sheena nang una namin siyang makita.

Tzu Hsi: The Dragon Empress of China.
Shet. Shet. Hindi kaya...

"Guys, oo nga pala. I would like to introduce you to your new classmate..."

Pilit kong inialis sa pagkakapaskil sa lalaki sa likod ang aking mga mata upang tingnan ang aking guro. Tiningnan ko ang kanyang mga labi habang binibigkas niya ang mga salitang hahampas sa akin sa mukha. Totoo na ng bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa akin sa buong buhay ko sa Ateneo.

"...Chris."

Kaklase ko si Chris Tiu sa History 16...at kagrupo ko pa siya sa proyekto ng aming guro na isang dula.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oo, aaminin ko, kinilig ako. High school ko pa siya crush ano.
Crush lang naman eh.*ehem*ruru*ehem*

Mamatay kayo sa inggit! waha. CHOS! CHOS!

You summoned me, yes?

You have just accessed Miles Domingo's online portal of thoughts and what-nots of three years. Bear in mind, dear reader, that the thoughts here are not yours to criticize unforgivably, but they are here simply just for your reading pleasure and understanding.
I would love to hear what you have to say, so please feel free to leave a comment by clicking the link below each post, or by simply leaving a short message in the tagboard below.
Also, please don't forget to return and read again. I would surely appreciate it.:)

This site is best viewed using Internet Explorer 6.0.

Untie the red string.

camille fajardo domingo. miles. kim. kaiserin. dyosa. chibi. baby. 18 years old. January 25,1989. Aquarian. Ateneo de Manila University, BS Biology. atenean scholar. Biologist in the making. sophomore. Block L2. [English] Block R36. GABAYano. Matanglawin--lapatan-eer. Quezon City Science High School, Batch 2006. Avo-I, Curie-II, Curie-III, Avo-IV. School of the Holy Spirit, Batch 2002. debater. vice president--Quesci debate society. MCDO(Mga Cute Debating Originals) member. book lover. orange. black. red. stars. caffeine addict in rehabilitation. Lacto-ovo pescestarian by choice. net-aholic. serial procrastinator. workaholic [na tamad. how ironic, isn't it?].

Summon me again.

email: miles.domingo@gmail.com
friendster: miles_dyosa@yahoo.com [add me up!]
Ym: miles_dyosa
Home phone: 9*7**9*
Cel number: 091*7*5**91

Make restitution to me.



Recent requests

No, I am not throwing you out, blog
Things I Want to Say to Random People Part 1
ADM 102: Introduction to Ateneo-La Salle Games
yesterday was only 2 hours ago
everybody's changing
nice to know you, goodbye
For my family
no harm meant, I'm just puzzled.
I may be out of its walls now, but silence is real...
an entry on my second mug of green tea


Dug graves

December 2004
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008



Ferry yourselves out.

Scientians
ace + adam.geraLd + anna cee. + ate anna + ate karen b.(atenista din to) + ate vani
+ benzon fafaboLs + bricci + chacha.cynthia + claudio + daven + desa + dina + gab psychOtie + gab sycophite + g_b + gelynne + geraLd + grace + hazeL v. + hazeL v.2 + ina + ivy sheryL + jamayca + jamie evon + jamiee + janica + hihirit pa si irbeng + jenny + jude + justin + kim.gonzales + kassandra + Loraine + meLa + phimie + pikseLot + raphael + tetet + tetet uLit + toki + vaLen + ziella +

Ateneans
ate ekai + ate maral + ate marian kambal + ate tina + ate tina muli + ate tina: the career woman :) + cara + haizell + josh + kuya kalil + kuya maki + kuya randy + kuya randy.2 + leo + sir ron cruz + sir yol jamendang +

Life and the times of people I dunno
Taga-Makati + Inday +


The eternal twilight

The Kaiserin's Multiply Site + Miles' Deviant art site + Miles and Jericho's blog + People for the Ethical Treatment of Animals + The Blue Eagle's Aerie + The Ateneo Debate Society + The Guidon + The Guidon: Alt+G + Ang Matanglawin + Aisis Sucks(?) + Bulatlat + CNN + Scientian forums +


Exacting your revenge

[Layout by Che]
[Main Codes by Dark Angel]
[Image by Miles]
[ Skin from Blogskins]
[ Photo hosting by Photobucket]
[ Tagboard by Cbox]
[ Comments and Trackbacks by Haloscan]
[ Blog Powered by Blogger]


Free 

Web Counter
thanks guys..

Personal - Top Blogs Philippines
Pinoy-Blogs.com

Personal Blogs Blog Directory
The Overridden Queen at Blogged