Sige. Gusto ko sanang hindi na kayo bitinin pa, ngunit alam ko na kapag nabasa niyo na ang diwa ng sulating ito ay baka pindutin niyo na ang ekis sa itaas ng inyong
mga
screen. Kaya, hala, sige, papatayin ko muna kayo sa kasabikan.
Pumasok ako sa klase ko sa History 16 (Asian History) noong tumunog na ang
bell. Kagaya ng dati, nag-ingay kami ng aking mga
blockmate ng kaunti. Kaunting tawanan at biruan, ngunit nang dumaan ang ilang minuto ay natahimik kami, lalo na kaming ang mga babae. Kung dala ito ng gulat o pagtataka, ay hindi ko alam. May taong naka-upo sa mga silya sa likuran, at sa pagkakatanda naming lahat ay hindi namin siya kaklase. Sinabi sa akin ni Sheena na baka nasa maling silid siya, o nagkaroon siya ng klase dito at hindi pa siya umaalis. Tumango ako, dahil malaki ang posibilidad na ayon nga ang pangyayari.
Napagisip-isip ko na umupo na lamang sa aking silya habang tinitingnan ang taong naka-upo sa likod. Subsob siya sa kaniyang binabasa, at wari'y hindi niya binibigyang pansin ang mga titig ng lahat sa kanya. Sa aking pag-upo ay napansin kong may hindi pa pala ako nagagawa. Ako kasi ang naatasan ng aming guro na si Binibining Coo na ilabas ang bakanteng silya sa aking tabi upang ipangharang sa pintuan na walang
door stopper. Nang maiharang ko na ang upuan ay may nagsalita sa aking tabi.
"Excuse me, puwede ko bang kunin `tong upuan?"Lumingon ako, at nakita ko ang lalaking naka-upo kanina sa likod ng silid. Ang tangkad niya. Kinailangan ko pang tumingala ng bahagya upang makita ang kanyang mukha.
"Ahhh...sige. Ayos lang. Wala namang gagamit." Sagot ko.
Ngumiti siya, bumulong at tumango ng pasasalamat, at saka binuhat ang silya palayo. Bumaling ang aking tingin sa pintuang nakasara na ngayon. Pumikit ako at sinabi sa sarili na patay ako sa aking guro.
Ilang minuto pa ang dumaan at pumasok na ang aming guro sa silid. Inantay kong pansinin niya ang nakapinid na pintuan, ngunit hindi niya ito ginawa. Napabuga ako ng hangin. Akala ko magagalit siya.
Sa aming pag-upo ay sakto namang tumunog ang pangalawang
bell. Nagtanong siya ng kaunti tungkol sa aming mga babasahin, kung sino pa ang hindi nakakakuha ng mga ito, atbp. Ang aking diwa'y nakatuon na sa aming guro, ngunit biglang sumagi sa aking isipan ang lalaki sa likod. Lumingon ako, at nakita ko siyang muli. Napakunot ang aking noo, dahil hindi tama ang hula namin ni Sheena. Nagbabasa parin siya, at dahil dito ay natuon ang aking pansin sa puting papel na kaniyang binabasa. Gumalaw ang kaniyang kamay upang ilipat ang pahina ng kaniyang binabasa. Napatitig ako at natigilan. Isa sa mga pahina ng mga papel na kaniyang binabasa ay lubhang napakapamilyar.
"Tzu Hsi: The Dragon Empress of China". Lumaki ang aking mga mata habang nabubuo na sa aking isipan ang isang malaking posibilidad na itinatwa namin ni Sheena nang una namin siyang makita.
Tzu Hsi: The Dragon Empress of China.
Shet. Shet. Hindi kaya...
"Guys, oo nga pala. I would like to introduce you to your new classmate..."
Pilit kong inialis sa pagkakapaskil sa lalaki sa likod ang aking mga mata upang tingnan ang aking guro. Tiningnan ko ang kanyang mga labi habang binibigkas niya ang mga salitang hahampas sa akin sa mukha. Totoo na ng bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa akin sa buong buhay ko sa Ateneo.
"...Chris."
Kaklase ko si Chris Tiu sa History 16...at kagrupo ko pa siya sa proyekto ng aming guro na isang dula.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oo, aaminin ko, kinilig ako.
High school ko pa siya
crush ano.
Crush lang naman eh.*ehem*ruru*ehem*
Mamatay kayo sa inggit! waha. CHOS! CHOS!
# correspondence ended @
3:08 AM
|