Para sa isang taong nag-oobserba lamang ay napaka-simpleng tingnan ng mga bagay.
Halimbawa nalamang ang mga palabas na napapanood natin sa telebisyon.
Hindi niyo ba napapansin na sa tuwing manonood tayo ng isang game show ay lagi nalang natin nalalait ang mga contestant? Para sa atin kasi, nakakainis na ang pagka simple-simpleng mga tanong ay hindi masagot...o di kaya'y ang lakas magkamali ng contestant sa pagpili ng bayong o briefcase.
Minsan, pati sa mga teleserye o sine ay nalalait din natin ang mga bida at bida-bidahan sa kuwento.
Kesyo ba nagkamali si babae sa disesyon niyang iwanan ang lalaking iniibig niya o pumasok ang bida sa kuwartong pinagtataguan ng multo o ng serial killer. Nakakainis. Nakakatanga.
Parang ang dali-daling panoorin at mag-disesyon para sa mga taong ito. Napaka-simple...at hindi na kailangan pang gawing kumplikado.
Masarap manlait at ipakita ng kamalian ng iba sa mga pagkakataong ganito.
Pero naisip na ba natin na iba ang pakiramdam ng nakasalang sa istudyo sa init ng mga malilikot na ilaw at makatabi si Kris Aquino habang nangangatog ang mga tuhod, o di kaya'y iba ang sitwasyon ng mga tauhan na alipin ng script at ng utos ng direktor?
Isipin niyo, paano kaya sa totoong buhay?
May mga sitwasyon na sa tingin ng mga nag-oobserba lamang ay napakasimple...pero para sa mga taong nakakaranas nito,napakahirap.
Para sa mga nag-oobserba, ang sagot ay oo at hindi lamang. Pula o puti. Pera o Bayong. Deal or No Deal. Napaka
clean cut.
Pero para sa mga nakasalang, ang bawat pagpipilian ay may nakasabit na komplikasyon na hindi maalis. Ang lahat ay naka-kawing sa ibang bagay na maaring maghatid sa kapahamakan o sa ligaya. Masyadong mabigat dalhin ang komplikasyon. Hindi ka makapag-isip ng tama.
Kumplikado ang lahat ng bagay. Pakiramdam mo may makanti ka lang ng kaunti sasabog na ang lahat.
Naiisip mo na ba kung bakit madali lang magbigay ng solusyon sa problema ng iba? Ayun ay dahil
observer ka lang. Nakikisimpatya ka naman, pero iba parin ang kinalalagyan ng mga taong namromroblema kumpara sa lugar mo . Parang ang daling sabihin na ang tanga nat mali ang disesyon at kilos ng ibang tao. Gaya nga ng nasabi ko kanina, mas madali at simple ang lahat para sa isang nagoobserba.
Pero pagdating sa mga sarili mong problema...ikaw na ang nakasalang. Kung baga sa isang
game show, ikaw na ang nalulusaw sa mga ilaw at sa boses ni Kris Aquino. Pinapakumplikado ng emosyon ang lahat. Nakakawing na sa mga bagay-bagay ang pakiramdam. Ang hirap tanggalin ng buhol at ng mga kawing. Pag ikaw na ang nakasalang, nabubulag ka na. Wala ka nang papakinggan. Maski boses ng katinuan napipipi.
Tsk.
Kung pwede lang maging
game show audience member nalang magpakailanpaman.
Kung puwede lang wag nang maisalang.
~~~~~~~~~~~
The hardest thing to experience here on earth is hurting someone just by existing and being who you are.
Zoo long exam in 14 hours.
Will start studying at exactly 12 hours before.
# correspondence ended @
9:41 PM
|