Kaninang umaga, napagpasyahan kong basahin ang sanaysay na sunod na pinapabasa sa amin ng Theo prof namin. Ang tagal kasing mapuno ng jeep, kaya nagbasa muna ako.
Pinatakbo na ni manong ang makina ng jeep niya, pero wala akong pakialam. Nagpatuloy parin ako sa aking pagbabasa.
"You study theology?"Inialis ko ang aking mga mata sa pulutong ng mga itim na letra sa libro ko. Tumingin ako ng bahagya sa dulo ng libro ko at may nakita akong daliri na nakaturo sa pamagat ng artikulong binabasa ko. Hindi ko alam kugn ano ang mas nakakagulat, yung may marining kang lalaki na kinakausap ka sa Ingles ng biglaan sa isang pampublikong jeepney o ang makakita ng daliri na tila nanggaling sa kawalan na nakalapat pa sa libro mo.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng tinig, at iyon. Katabi ko pala siya. Akala ko nanggaling sa harap ko ang boses. Parang tunog malayo ang boses niya...pero dahil siguro narin yun sa tunog ng makina ng jeep ni manong.
May nakilala akong isang Vietnamese na mukhang Hapon/Koreano na nag-aaral sa Loyola House of Studies ng Theology na madalas manigarilyo sa SOM smocket, at ang pangalan niya ay Li.
# correspondence ended @
8:31 AM
|