last day ko na ngayon na pumasok ngayong week na to...
di na ako papasok bukas...pagod na ako eh...pahinga naman.
may review session kami kanina...at in fairness, akala ko talaga, todo late kami. pano, 5 minutes before 8, wala pa kami dun. pambihirang jeep kasi....yung nasakyan namin, di pa puno...so matagal kasi nag-aantay pa siya ng mga pasahero. buti nalang talaga at hindi kami nalate...kundi, pa-star pa kami kung nagkataon. astigin yung session kanina...parehong left-handed yung mga teachers namin! :) tapos pareho pang ayos magturo. nag general science kami at algebra ngayon eh. ang galing, in filipino ang algebra.
Hanapin ang tumbasang quadratic kung ang solution set nito at
{-1/5 ,3}.
Ang suma ng mga didyit ng isang numerong may dalawang didyit ay 11. kapag pinagpalit ng puwesto ang mga didyit, ang bagong numero ay mas malaki ng 63 kaysa sa orihinal na numero. ano ang bagong numero?
tumbasang quadratic...yan pala ang filipino ng quadratic equation...at di-tumbasan ang inequality. didyit. *giggles*
asteg nga eh..kaso medyo nakakatakot..kasi baka mali ang pagkakaintindi mo sa tanong eh....tagalog kasi. :)
after ng session, bumalik kami ng school...at inasikaso ang naiwang mga balnko sa mga clearance namin. kumpleto na ako! sa wakas..sana matapos na lahat pati yung sa property para sa monday, pag kinuha yung cards, walang problema. :) nakakapagod nga lang maglakad-lakad...mag-ikot-ikot..pero ayus lang.
after nito, lumabas na kami ng school. nakisakay pa kami sa car ni sir Lorenzo (ung vios niya)...ang saya! nakakatuwa si sir..yano ba naman an cd na pinatutugtog! nag-bonding kami nina Erica, Jacy at Grace sa SM...nagpapic kami...kumain ng bucket meal sa KFC (todo takaaaawwww) tapos nag-arcade...tapos uminom sila ng expresso frappe ng coffee experience. yan tuloy,nabangag silang tatlo. buti nalang ako at matino pa akong naka-uwi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HAPPY GRADUATION BUKAS, KUYA PATRICK! congratulations sayo... :) maging masaya ka lagi! hehehe... :)
# correspondence ended @
2:45 PM
|