nag-achievement test kami kanina sa school...and there's only one word to describe it. nakakatamad. todo. sa afternoon session pa kami natapat. nakakainis...gusto ko sana sa umaga nalang kasi mas ok. mas energetic pa ako nun eh. kaso, talagang sa hapon eh.
pumasok kami sa school ng mga 8 kaninang umaga. ang alam ko, 7 palang, start na yung test nila. aba'y 8:30 na eh..wala parin. di pa nagsisimula.
nalaman namin na afternoon session pala kami at 1 pa magsisimula. tinubuan na kami ng ugat kanina sa kakaantay na mag ala una. ewan ko...pangit ang disposition ng mga tao ngayon eh...pati ako...medyo nahawa na ewan...pati nga si theo nasupladahan ko talaga kanina eh...dahil sa research paper namin. sorry theo...sorry talaga. badtrip lang talaga. hayyy..
medyo madali naman yung achievement test...pero todo haba. grabe, 75 items, 3 tests...direderetso! sumakit talaga ung batok ko eh. nakakapagod...number 35 palang ako ng first test (math) inaantok na ako! nakakatamad talaga siya...pramis.
bukas uuwi kami ng probinsya...aalis ako dito sa bahay ng 5:30 am. di ako makakapasok! waaah. may lecture pa naman daw ang aming beloved principal tungkol sa research. about our proposals, and about them being 50% of our grade (according to the text message i recieved earlier). sayang, mamimiss ko lahat yan. may family reunion kasi kami bukas eh. dumating yung mga tito kong nasa abroad, kaya yun. magkikita-kita na naman kaming mag-pipinsan. riot na naman. di ako makakapag-internet for a couple of days..babalik ako dito sa manila ng sunday afternoon.
ciao guys...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
pambihira...kumain kami ng kipp's chicken sa foodcourt kanina. pag-uwi ko dito sa bahay, chicken din ang ulam. hindi na ako kumain noh! baka mamaya maging masyado na akong girl dahil sa excess increase in estrogen! wacha. ayako nga.
# correspondence ended @
10:10 PM
|