wala na namang nanyari sa school kanina. nakakatamad talaga...todo nakakatamad. walang teachers na nagturo kanina, except for one. si ma'am mejia lang ang pumunta sa classroom namin kanina para magturo...at ang sama ko talaga. nasa harap na nga ako't lahat..pero hindi parin talaga ako nakikinig. ang sama ko...pero sadyang tinatamad ako ngayon eh. bukas, may sports fest. kala ko di na matutuloy un kasi may isang teacher na ayaw (dahil sinabihan na ako ni grace na wag na magmention ng pangalan...sige, wag na. kilala nio naman na kung sino tong tinutukoy ko eh.), kahit na napirmahan na ng principal. sana naman maging ok ang lahat dahil in fairness, ang hirap maghanap ng pink shirt. pink kasi color ng curie eh...e wala akong matinong pink shirt. naman. bakit pink? sana blue nalang...hehe..:p
wala na si pope john paul II. after 15-20 days, magco-conclave na ang mga cardinals sa vatican...mamimili na sila ng bagong pope. may candidates na...pero hindi pa sinasabi sa public. sa bagay, kabastusan din naman un...mamimili na kagad kayo ng kapalit, e kamamatay lang ng pope. wow. may mahalaga akong natutunan sa angels and demons. i think i'll research about the conclave more. say hi to God for us, Karol Joseph Wojtyla...Pope John Paul II..
# correspondence ended @
4:29 PM
|