binigay samin kanina ung results ng aptitude test na kinuha namin last year. buti nalang talaga at tumugma siya sa gusto kong mangyari sa sarili ko...ung iba kasi halos equal ang distribution ng interest sa bawat field. buti nalang at sa mga scores ko, nakita ko ung talagang mga interests ko.
sa raw score, pinakamataas sakin arts...38, followed by scientific and leading-influencing, 36 and 35 respectively.
pero sa percentile...99 naman ang scientific at leading-influencing at 97 ang arts. sumunod ang humanitarian, mechanical, protective, physical performing, business detail, nature, accommodating, industrial at selling.
ano kayang college papasukan ko? anong course?
MBB..intermed..econ..behavioral science. sobrang daming pwede. nakakainis naman eh...hirap kasing mamili...dito kasi nakasalalay halos lahat ng kalalabasan ng buhay mo after school. di pwedeng basta-basta lang mamili. di pwedeng maimpluwensiyahan ng iba. di pwedeng na-pressure ka lang kaya mo pinili. dapat ingat talaga.
dadalhin ni grace mamaya ung listahan ng courses sa bawat UP campus. sana matulungan kami nun na mamili ng maayos. mahirap na. mahirap mangapa.
isang taon pa. isang taon pa...unti-unti na akong umaalis sa comfort zone. shak. real world na.
shak.
# correspondence ended @
5:28 PM
|