may pinaplanong outing ang curie 2.
pero baka hindi ako makasama!! *sniff*
ewan ko...umayaw kagad sina mama at papa kahit wala pang details akong nababanggit. bat kaya? oh, well, i guess I'll try again one of these days. malay mo, nagpapalambing lang yang mga yan...hahaha... :D
pinagdadasal ko ngayon na sana may mahanap na lugar na mas malapit...yung tipong hindi lalabas ng QC. mas malaki kasi ang chance na papayagan ako eh. tinanong ko nga pala si papa kanina tungkol sa casa milan. kasi nagbabadminton siya minsan sa area na yun eh. sabi niya, mas mahal pag hindi ka member dun, pero sa tancha niya, P 100 lang per head. ok! ayus un! :) sana sa casa milan na lang...para malapit..at para payagan ako. gusto ko talagang sumama...kasi minsan-minsan lang to...tsaka malapit ng maging hectic at full ang mga schedule ng bawat isa...baka mawalan na ng chance na mag-get together ng ganito ang curie 2. sana i-consider nila ang casa milan...maganda naman dun...at malinis ang CR! maayos...as I remember it. i think it meets Erica's standards. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
napakasaya!
nakalibre ako ng lunch kanina sa SM. :)
kumain kasi sa labas kanina ang Science club...nagpa-pic at kumain.
laking tipid non! :) hehe...
tapos, wala pang clearance test sa AP kanina!
wahoo!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
kanina, kumain kami ng halo-halo sa chowking.
naalala ko tuloy yung halo-halo sa probinsya namin...*sniff* hindi ako nakakain nung umuwi ako dun last week. nakakainis...nawalan kasi ng oras..kasi most of the time, tulog ako eh. haha. :)
medyo masama nga lang ang experience namin dyan sa halo-halo na yan...nag-half dozen kami nina Erica at Grace sa chowking sa FCM. mahal. as in. P 25...tapos ang liit. ang tagal pa bago dumating samin yung order namin. wrong move nga yata yung halo-halo eh. pero sabi nga ni Grace,
"well...at least natikman natin."~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~nag-aral nga pala ako kanina...inaral ko yung module ko. aymberiprwadopmyselp. hehehe...normally kasi, pagdating sa ganyan, tamad kasi talaga ako. tapos, bukas, sana, matuloy ang plano kong i-browse ang thesaurus. para ma-expand ang vocab ko. grabe, talagang seryoso na ako...shempre, future mo ba naman ang involved, hindi ka ba naman magseseryoso? :) salamat kay God na source ko ng energy at sipag! :)
nako..pinapatulog na ako. 3 days na lang...bakasyon na. graduation na ng `05. summer na. fourth year na kami. shak.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Miles with Erica and Grace was dropped at the gate by Erica's dad (thanks, tito! :)), enters the gate, then reached a point 4 feet from it. then, carefully (and secretly) she turns her head to the right. then, she smiled. i don't know why, but Miles smiled.
"I think I'm going to have a nice day today."
# correspondence ended @
2:30 PM
|