..And no...I am not talking about my mother.
Kahapon, napag-isipan kong lumabas at mag-mall dahil, a.) sobrang bored na ako sa bahay, b.) sobrang init at gusto ko ng aircon, at c.) dahil gusto kong mamili ng damit para sa summer. So ayun, pumunta ako sa pinakamalapit na mall dito sa amin, and SM Fairview. Ayoko sana sa mall na yun dahil a.)nakaka-stress maglakad at mag-shopping dahil super daming tao, b.) naka-set na ang utak ko na sa Trinoma ako pupunta pero naunsyame ang plano ko dahil hindi pala ako masasamahan ni Mareca. Seemingly, I had no choice, so sa SM Fairview ang bagsak ko.
So, sige, konting side trip tayo from the title, kids. Generally, hindi naman nakaka-disappoint ang pamimili ko kahapon, dahil may nabili naman ako dahil a.)may mga magagandang shirts na naka on-sale sa American Boulevard, b.) at super masayang mamili sa Surplus Shop. Iba talaga pag hindi ka mayaman, dahil magaling ka makakakita ng mga magaganda at quality na gamit at damit na mura lang. Super sarap kasi sa feeling na a.) makakita ng mga gamit na binebenta ng lampas isang libo sa isang botique o sa isang high-end na clothing line na alam mong puwede mong mabili sa Greenhills ng todo mas mura pa, b.) magkaroon ng mga gamit na mura lang pero maganda at sasabihin sayo ng ibang tao, "I like your dress / shirt / pants / outfit / skirt /shorts / etc. You bought that from *insert name of high-end clothing brand here* noh?", tapos sasagot ka, "No...I got this from *insert name of bargain place here* for only *insert cheap price here*." Yeaheh, baby...as in WOHOO. Makes me proud being a sucker for stuff on sale. Good bargain hunters, unite.
Dumaan ako sa department store, baka kasi may makita akong magandang mga pieces dun. I saw a neat pair of shorts, and I went to try them on in the fitting room. Pag pasok ko, super ingay. May mga batang nagtatanong sa nanay nila kung okay ang suot nila, may mga nanay na nagtatanong sa mga anak at asawa nila kung hindi ba sila mukhang balyena sa suot nila. May mga sumisigaw para tawagin ang mga sales lady sa labas na nagkwekwentuhan dahil magpapakuha sila ng 36-C na bra galing sa Triumph. Ningitian ko ang saleslady na nakasalubong ko, at itinaas ng kaunti ang shorts na hawak ko. Ngumiti siya pabalik, at itinuro ako sa isang bakanteng cubicle. Pumasok ako, at isinukat ko ang shorts. Lagi akong sablay sa unang pili, pero iba ngayon. It's either I get a pair of pants, a shirt or a blouse that makes my ass and trunk look like I'm rolled up and ready to be deep-fried, or I get clothing that's so loose that I'd pass for a ghetto hip-hop rapper with the chains and all. Natuwa naman ako, kasi ngayon, iba ang sitwasyon. Saktong-sakto lang ang shorts na pinili ko. Umikot ikot ako ng konti sa harap ng salamin at tiningnan ng mabuti ang sarili ko. There must be a hidden flaw somewhere, and I had to find it before I pay for it. Habang naghahanap ako ng flaw, napansin ko na kanina pa dumadakdak ng malakas ang babae sa cubicle na nasa kanan ko. As a matter of fact, sa kanya na nga galing ang 65% (naks, may percent pa) ng ingay sa fitting room. Paulit-ulit nagtatanong at nagsasabi na kunin mo ito, kunin mo iyan, hawakan mo nga ito, hawakan mo nga iyan, mukha ba akong mataba, hindi ba nakakaitim ang kulay na ito, wag mo ngang hawakan to, ito ang hawakan mo at iba pa. Nakininig pa ako ng ilang sandali, at sinubukang isipin kung sino ang kausap niya. Pero ang galing ni Lord, sinagot niya kaagad ang tanong ko.
"MOMMY ANO BA HINDI AKO SAMPAYAN, OKAAAAAAAAYYYY!!!!!!"
Sumigaw ang bata. As in bata, take note...babae, mga 4 years old siguro. Natahimik ang buong fitting room. Pati nanay niya natahimik. Sana inorasan ko kung gaano katagal tumahimik sa loob ng fitting room para accurate, pero hindi ko naorasan. Kaya sasabihin ko nalang na "It stayed silent for what seemed like more or less 2 minutes".
Pilit kong itinago ang tawa ko. Hinubad ko na ang shorts na sinusukat ko at nagbihis na ako. Paglabas ko ng dressing room, dun ako tumawa. Pati ang mga saleslady na nagkwekwentuhan sa labas, natawa sa bata. Nagbago tuloy ang topic nila. Yan kasi, bungangera, ang ingay kasi, demanding che!, kawawa ung bata, sukat ba namang gawing sampayan, etc, etc.
So balik tayo sa pamagat.
In your face, mommeh.
# correspondence ended @
10:42 AM
|