HAPPY BIRTHDAY ERICA!!!
hehehe...16 ka na rin! wacha! :)
ang saya ng bday ni erica... pang buena mano si ma'am hilario...hehehe..at least tapos na ung gulo kay ma'am...
ayos na...medyo nasagot-sagot ko nga siya kanina eh...nagsisisi ako ng kaunti..kaunti lang naman. wahehehehe...
anyway...april fools' day din ngayon. at shempre, april fools' joke din ung conversation namin nina erica, grace at jacy kay ma'am hilario...pero kaunti nalang, tatawa kaming lahat papuntang guidance. buti hindi natuloy, kundi ung joke ni ma'am, kami ung punchline. buti nalang talaga, naayos na lahat tungkol dun...kundi patay talaga kami.
ang boring talaga ng araw na to...may enrichment classes dapat kami ngayon, pero naging sleeping session nalang. kasi, buong araw, e walang teacher. sa monday na yun officially magsisismula. para kasi un sa achievement test sa april 7. sabi ni ma'am erpelo we have to do good in that exam because the QC government will pull out P 2 million out of the school's budget if the other highschools will surpass our scores. damn it. kung nanyari to, wala na naman stipend. please lang, bigyan nio na kami ng stipend! incoming fourth year na ako, tapos wala parin. naman. naman. naman.
birthday ni erica ngayon...ang isa sa mga pinakamamahal kong kaibigan. (shak...ayos! :)) bukas, si jem naman. celebration niya bukas sa bahay nila, pero hindi pa ako nagpapaalam. medyo may tension parin kasi kami ni mama dahil dun sa argument namin nung isang araw...pero susubukan ko parin. :)
nanlibre si erica sa KFC kanina! sa gutom ko, naubos ko ang isang 2 pieces chicken meal. wow. pero, ang galing, walang extra rice. sa bagay, mas malakas ako sa ulam kesa sa kanin. ang saya...nagkwentuhan pa nga kami kanina. kung saan-saan nakarating ung usapan...pero, masaya kasi ang tagal narin naming di nakakapag-usap ng ganon. namiss ko talaga sila. :)
nakakapagod tong araw na to kahit walang ginawa...ewan ko kung bakit. nakatulog pa nga ako eh. paggising ko...shak, pare. nahilo talaga ako. bangag to the max. napabigla ata ang bangon ko eh. buti nahimasmasan ng kaunti...at nahiga ulit ako. hehehe...
happy birthday ulit erica...good luck sa lahat...mahal na mahal ka namin nina grace..salamat sa KFC. sana tumagal pa ang ating pagkakaibigan. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~"kayo ang una kong nakita, at marami pang tao sa likod niyo."
"oo nga po ma'am, marami pong tao sa likod namin, kaya nga po hindi po namin nasabi kung sino po talaga ung nagsalita."
"kayo lang ang nakita ko! walang tao sa likod niyo!"
"pero...ma'am...diba...sabi niyo po kanina...kakasabi niyo lang po na nakita niyo po ng marami pa pong tao sa likod namin."
"hindi....! sinabi ko ba yun? ang sinabi ko..."
"opo ma'am..kakasabi niyo lang po..."
[pause:15 seconds. dead air]
"........EH KAHIT NA!!!!!!! HINDI EXCUSE YUN!!!!"
e sasagot ka pa kasi eh.
# correspondence ended @
2:46 PM
|