Would you like to try dying this once?
Image done by yours truly :)

Wednesday, December 29, 2004

Usok ng Fog Lamp


Usok ng Fog Lamp
Miles Domingo
Dec. 9, 04

Alas siete na.
Patay ako kay mama.


Natatandaan ko…Thursday un. Malamig dun..mahangin..pero di ko sigurado kung mag-papasko nun. Basta natatandaan ko lang, malamig..mahangin.

Napatingin ulit ako sa relo ko.

Anliit pala ng relo ko ano? Palitan ko na kaya? Ay..wag..wala akong pera.

Nagbugtong-hiniga na naman ako. Naisip ko tuloy..pano kaya kung binilang ko kung ilang ulit na akong nagbugtong-hininga? Nakailang beses na kaya ako?

"Miles, ang haba ng pila ah…di ka ba naman papagalitan niyan?" tanong ni Erica.
"Di, ayus lang…" sagot ko ng may matching ngiti. Pero sa loob ko..ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Patay talaga ako sa nanay ko…sana naman di niya ako pagalitan.

Sale ata sa SM nun eh..kaya kami ginabi ni Erica nung first year kami. Makakaisang oras na kaming nakapila nun. Wala pang FX. Nakaka-peste. Nakakainis.

Tumingin ako sa langit. Walang stars.

Nako…mukhang uulan pa bukas ah…

"Miles!"

Nawala lahat ng iniisip ko nung narinig ko si Erica.

"Bakit?"
"Tingin ka dun!"
"Asan?"
"Ayan o! Padating!"

Pinilit kong aninagin kung ano ung tinuturo ni Erica sa may pedestrian lane sa harap ng Red Ribbon. Wala akong makilala. Puro mga taong naglalakad na di ko maaninag ang mukha. E kasi naman. Di ko dala salamin ko.

"Oi! Nandito pa kayong dalawa?"

Napakunot noo ko. Kala ko pa naman, artista ung tinuturo ni Erica. Siya lang pala.

"Oo eh..nawili kami sa SM." Sabi ni Erica sa taong kararating, sabay tawa.

Ang ganda. Ayus to. Close encounter with the heart breaker kind.

Kung anu-anong ka-jologan ang pumasok sa isispan ko. Kung anu-anong corning pwedeng maitawag sa kanya, naisip ko na rin. Tawang tawa nga ako sa sarili ko eh. Ang weirdo. Bat naman ganon ung reaksyon ko? Ampangit.

So, ayun. Nakipila samin si loko. Habang nag-aantay ng FX, nag-uusap sila ni Erica. Ako? Patawa-tawa lang sa sinasabi nilang dalawa. Wala lang talaga akong masabi. Parang walang laman ung utak ko nun eh.

"Ewan ko…tanong mo kay Miles! Baka alam niya!"

Dahil narinig ko yung pangalan ko, tinanong ko si Erica.

"Bakit? Ano yun uli?"

"Kasi eh..may tinatanong siya. Tanong mo na kasi eh."

Kumabog dibdib ko. Ewan ko kung bakit. Basta kumabog siya ng masakit.

"Ano yun?"
"Miles, kita mo un?" sabay turo kung saan.
"Asan?"
"Ayun..."
"Wala akong salamin..describe mo ung tinuturo mo...baka ma-recognize ko."
"Nakikita mo ung malaking lamp na un? Un o…" sabi niya.

Pinilit kong aninagin king ano yung tinuturo niya. Nakita ko ung malaking fog lamp sa may kanto ng mababang bubong malapit sa pedestrian lane.

"O? Anong meron dun?" tanong ko.
"Pansinin mo…umuusok siya…diba? Bakit?"

Tinignan ko uli ung lamp. Oo nga no, umuusok siya.

Oo nga no, umuusok siya.

Oo nga no, umuusok nga siya.

Ngayon ko lang napansin un. Tama si loko. Umuusok nga.
Kumunot ang noo ko. Nag-isip ako ng sagot.

Bat kaya? Dahil malamig...so ung init nung lamp…nakakawala as a form of steam? Nyaks, di pwede un…sobrang init naman nung lamp! Edi pumutok na ung bumbilya kung ganon kainit un…

Naka-ilang minuto rin akong nag-iisip. Nakaitingin silang dalawa sakin. Inaantay ang sagot ko.

Wala na akong maisip! Ano ba sagot dyan sa tanong mo?

"Hmmm…"
"Ano? Kung may sagot ka, edi hindi na Regional Science High School ang Quesci!"
"Ha?"
"Di, joke lang! Ano?"
"Di ko alam eh."
"Aaaahhhh…"
"Sorry ah…"
"Ok lang un no! Bat kaya umuusok un?"

Dumating ang FX. Sa wakas. After 50 years. Tinignan ko ang relo ko, alas otso disinwebe na.

Ok. Patay ako sa nanay ko.

+===================================================+

Alas siete na.
Buti ang paalam ko 6:30 ako aalis dito.


Kanina lang, kagagaling ko sa practice. Mag-isa akong nakapila sa terminal. Umubo ako. Malamig..mahangin. Magpapasko na kasi. Naramdaman ko…malamig..at mahangin.

Napatingin ako sa wrist ko para tignan yung oras.

Shet. Nawawala nga pala relo ko ano…naman eh.

Nagbugtong-hiniga na naman ako. Naisip ko tuloy, pano kung bilangin ko lahat ng bugtong-hiniga ko simula pa nung pumila ako dito? Nakailan na kaya ako?

Tumingin ako sa langit. Wala pang stars.

Siguro uulan bukas.

"Miles!"
Napalingon ako. Ngumiti.

"Pia! Saan ka?"
"Dito..sa Litex ako bababa. Ikaw?"
"Sa Caltex."

Humarap ako ulit. Napatingala ako. Nakita ko ung malaking fog lamp sa may kanto ng mababang bubong malapit sa pedestrian lane.
Umuusok siya.

Naalala kita. Naalala ko yung tanong mo sa akin.

Alam ko na kasi yung dahilan eh. Naisip ko na hindi talaga usok yun na galing mismo sa lamp. Iniilawan lang nung lamp ung usok na binubuga ng mga dumadaan na sasakyan sa baba. Kaya nakikita mo ung usok na lumulutang pataas kasi tinatamaan nung ilaw ng fog lamp.

Napangiti ako.

O, ayan. Alam ko na yung sagot sa tanong mo.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Kumabog ng masakit.

O ayan. Alam ko na yung sagot sa tanong mo.

Ewan ko kung bakit. Basta kumabog siya. Masakit.

Alam ko na…pero wala ka na.



Tuesday, December 28, 2004

please interpret this for me.


from curie2_0304_is_the_best@yahoogroups.com.
by raphael fulgar, used without his permission. i am SO evil. (what is it with me and abusing copyrights?)
================================================
nsa nature ba talaga ng tao ang maging manhid?
o sadyang natwist lang ng society?
kc takot magkamali..
takot sa sasabihin ng iba
takot sa mga pangaasar at hiyawan
takot tumalon sa dilim, sa mga panibagong bagay.
HIYA
hiya..
sadyang mahiyain lang cguro ang pilipino..diba?
noong panahon ng mga kastila?
ng mga don at dona ng mgahacienda
noong ang tanging libangan lang ay tsismis?
Naging inherent na sa genes natin ang takot na mapagusapan sa likodnaten..
Naiimagine ko noon yung mga matatabang babae na phanget ang mukhanatodo paypay habang nagtsitsismisan

"Ay! Alam mo ba Dona Victoria, ang pamangkin mo, c Miles,nakipagusapdyan sa hampas-lupa na si Dongie? Walang hiya!"

Gets ba?

Masyado ba tayong mahiyain para sa ikabubuti natin?ano ba ang ingles ng torpe? ano ba ang ingles ng manhid? oh sure, "numb" pero mas widely used siya as a medical term, di ba?

Ewan..kakain mna ako. hehe

ang litanya ni mary grace para sa akin.


from curie2_0304_is_the_best@yahoogroups.com.
by mary grace patriwirawan, used without her permission. hahaha..
==============================================
kaiba kau ngaun a.. anu bng theme.. miles layp? hehe.. joke..
miles? my problema k pla bat di mo sabihin sakin.. lam mo nmn npagdating s mga ganyang bagay.. i'm THE expert.. wel.. sama mo n cerica.. without her i'd be nothing.. nyweiz..lam ko n problema mo.. hehe.. ung cnbi mo nung reunion?!!!
in fairness ang tapang mo. hirap mgsabi ng ganon no?! kung ako un..mhihiya ako. pero..i know you well enough to say that kaya mo ung sabihin s knya..kung gusto mo n..kung di mo n kyang itago..kung sobrang sakit n..tao k nmn e..
Napupuno. Nasasaktan.
don't pretend na nag-iisa k lng.. n wla kng karamay.. u'r makingmatters worse.. bsides.. anu kmi ni erica.. POSTE??
hehe..at least now.. my kshare k.. kming mgaganda(erica&I, of course!)hehe.. hay.. miles.. ganyan tlga buhay.. lhat nmn cguro tau dadaan sgnyan..makikita mo rin c Mr. Perfect.. di nmn dahil xa gusto mo ngaun.. xa nforever.. makakakita k rin ng guy..tipong..di k nia iiwan..di k paiiyakin....................di nia hahayaang mkdma k uli ng sakit n nrrmdman mo ngayon..di ko nmn pwede sabihing alam ko ang nrrmdan mo.. kc ibaiba angtao... ibaiba tau.. iba ka.. iba ako.. iba xa..kahit di nia suklian ang pagmamahal na inaalay mo sknya..at least.... alam mo s sarili mo n handa kng ibigay s knya lhat..khit iba gusto nia.. andyan k prin pra sknya..khit iba mhal nia.. andyan k prin pra mhalin xa..kya miles.. ok lng yn.. kya mo yn.. kaw p.. hehe..cge.. take my advice.. pksaya k s buhay.. go with the flow muna sngaun.. hehe.. INGATZ!!! hehe..

Saturday, December 18, 2004

mag-sho2ping ako mamaya!


wahaha...

sa wakas..

mamimili na ako ng mga panregalo ko.

hehehe..

sana lang mabilan ko lahat ng kailangan kong bilhan ng regalooooo...

Merry Christmas everybody!

yebah!

Wednesday, December 15, 2004

ok..may blog na ako.


ok...so i've joined the blog posting community.

how nice...my own online diary...

the diary of the overridden queen.

ang saklap.

overridden queen.

wahoo.

enjoy reading my posts...

take a peek in my hysterical mind.

You summoned me, yes?

You have just accessed Miles Domingo's online portal of thoughts and what-nots of three years. Bear in mind, dear reader, that the thoughts here are not yours to criticize unforgivably, but they are here simply just for your reading pleasure and understanding.
I would love to hear what you have to say, so please feel free to leave a comment by clicking the link below each post, or by simply leaving a short message in the tagboard below.
Also, please don't forget to return and read again. I would surely appreciate it.:)

This site is best viewed using Internet Explorer 6.0.

Untie the red string.

camille fajardo domingo. miles. kim. kaiserin. dyosa. chibi. baby. 18 years old. January 25,1989. Aquarian. Ateneo de Manila University, BS Biology. atenean scholar. Biologist in the making. sophomore. Block L2. [English] Block R36. GABAYano. Matanglawin--lapatan-eer. Quezon City Science High School, Batch 2006. Avo-I, Curie-II, Curie-III, Avo-IV. School of the Holy Spirit, Batch 2002. debater. vice president--Quesci debate society. MCDO(Mga Cute Debating Originals) member. book lover. orange. black. red. stars. caffeine addict in rehabilitation. Lacto-ovo pescestarian by choice. net-aholic. serial procrastinator. workaholic [na tamad. how ironic, isn't it?].

Summon me again.

email: miles.domingo@gmail.com
friendster: miles_dyosa@yahoo.com [add me up!]
Ym: miles_dyosa
Home phone: 9*7**9*
Cel number: 091*7*5**91

Make restitution to me.



Recent requests

No, I am not throwing you out, blog
Things I Want to Say to Random People Part 1
ADM 102: Introduction to Ateneo-La Salle Games
yesterday was only 2 hours ago
everybody's changing
nice to know you, goodbye
For my family
no harm meant, I'm just puzzled.
I may be out of its walls now, but silence is real...
an entry on my second mug of green tea


Dug graves

December 2004
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008



Ferry yourselves out.

Scientians
ace + adam.geraLd + anna cee. + ate anna + ate karen b.(atenista din to) + ate vani
+ benzon fafaboLs + bricci + chacha.cynthia + claudio + daven + desa + dina + gab psychOtie + gab sycophite + g_b + gelynne + geraLd + grace + hazeL v. + hazeL v.2 + ina + ivy sheryL + jamayca + jamie evon + jamiee + janica + hihirit pa si irbeng + jenny + jude + justin + kim.gonzales + kassandra + Loraine + meLa + phimie + pikseLot + raphael + tetet + tetet uLit + toki + vaLen + ziella +

Ateneans
ate ekai + ate maral + ate marian kambal + ate tina + ate tina muli + ate tina: the career woman :) + cara + haizell + josh + kuya kalil + kuya maki + kuya randy + kuya randy.2 + leo + sir ron cruz + sir yol jamendang +

Life and the times of people I dunno
Taga-Makati + Inday +


The eternal twilight

The Kaiserin's Multiply Site + Miles' Deviant art site + Miles and Jericho's blog + People for the Ethical Treatment of Animals + The Blue Eagle's Aerie + The Ateneo Debate Society + The Guidon + The Guidon: Alt+G + Ang Matanglawin + Aisis Sucks(?) + Bulatlat + CNN + Scientian forums +


Exacting your revenge

[Layout by Che]
[Main Codes by Dark Angel]
[Image by Miles]
[ Skin from Blogskins]
[ Photo hosting by Photobucket]
[ Tagboard by Cbox]
[ Comments and Trackbacks by Haloscan]
[ Blog Powered by Blogger]


Free 

Web Counter
thanks guys..

Personal - Top Blogs Philippines
Pinoy-Blogs.com

Personal Blogs Blog Directory
The Overridden Queen at Blogged