Usok ng Fog Lamp
Miles Domingo
Dec. 9, 04
Alas siete na.
Patay ako kay mama.
Natatandaan ko…Thursday un. Malamig dun..mahangin..pero di ko sigurado kung mag-papasko nun. Basta natatandaan ko lang, malamig..mahangin.
Napatingin ulit ako sa relo ko.
Anliit pala ng relo ko ano? Palitan ko na kaya? Ay..wag..wala akong pera.
Nagbugtong-hiniga na naman ako. Naisip ko tuloy..pano kaya kung binilang ko kung ilang ulit na akong nagbugtong-hininga? Nakailang beses na kaya ako?
"Miles, ang haba ng pila ah…di ka ba naman papagalitan niyan?" tanong ni Erica.
"Di, ayus lang…" sagot ko ng may matching ngiti. Pero sa loob ko..ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Patay talaga ako sa nanay ko…sana naman di niya ako pagalitan.
Sale ata sa SM nun eh..kaya kami ginabi ni Erica nung first year kami. Makakaisang oras na kaming nakapila nun. Wala pang FX. Nakaka-peste. Nakakainis.
Tumingin ako sa langit. Walang stars.
Nako…mukhang uulan pa bukas ah…
"Miles!"
Nawala lahat ng iniisip ko nung narinig ko si Erica.
"Bakit?"
"Tingin ka dun!"
"Asan?"
"Ayan o! Padating!"
Pinilit kong aninagin kung ano ung tinuturo ni Erica sa may pedestrian lane sa harap ng Red Ribbon. Wala akong makilala. Puro mga taong naglalakad na di ko maaninag ang mukha. E kasi naman. Di ko dala salamin ko.
"Oi! Nandito pa kayong dalawa?"
Napakunot noo ko. Kala ko pa naman, artista ung tinuturo ni Erica. Siya lang pala.
"Oo eh..nawili kami sa SM." Sabi ni Erica sa taong kararating, sabay tawa.
Ang ganda. Ayus to. Close encounter with the heart breaker kind.
Kung anu-anong ka-jologan ang pumasok sa isispan ko. Kung anu-anong corning pwedeng maitawag sa kanya, naisip ko na rin. Tawang tawa nga ako sa sarili ko eh. Ang weirdo. Bat naman ganon ung reaksyon ko? Ampangit.
So, ayun. Nakipila samin si loko. Habang nag-aantay ng FX, nag-uusap sila ni Erica. Ako? Patawa-tawa lang sa sinasabi nilang dalawa. Wala lang talaga akong masabi. Parang walang laman ung utak ko nun eh.
"Ewan ko…tanong mo kay Miles! Baka alam niya!"
Dahil narinig ko yung pangalan ko, tinanong ko si Erica.
"Bakit? Ano yun uli?"
"Kasi eh..may tinatanong siya. Tanong mo na kasi eh."
Kumabog dibdib ko. Ewan ko kung bakit. Basta kumabog siya ng masakit.
"Ano yun?"
"Miles, kita mo un?" sabay turo kung saan.
"Asan?"
"Ayun..."
"Wala akong salamin..describe mo ung tinuturo mo...baka ma-recognize ko."
"Nakikita mo ung malaking lamp na un? Un o…" sabi niya.
Pinilit kong aninagin king ano yung tinuturo niya. Nakita ko ung malaking fog lamp sa may kanto ng mababang bubong malapit sa pedestrian lane.
"O? Anong meron dun?" tanong ko.
"Pansinin mo…umuusok siya…diba? Bakit?"
Tinignan ko uli ung lamp. Oo nga no, umuusok siya.
Oo nga no, umuusok siya.
Oo nga no, umuusok
nga siya.
Ngayon ko lang napansin un. Tama si loko. Umuusok nga.
Kumunot ang noo ko. Nag-isip ako ng sagot.
Bat kaya? Dahil malamig...so ung init nung lamp…nakakawala as a form of steam? Nyaks, di pwede un…sobrang init naman nung lamp! Edi pumutok na ung bumbilya kung ganon kainit un…
Naka-ilang minuto rin akong nag-iisip. Nakaitingin silang dalawa sakin. Inaantay ang sagot ko.
Wala na akong maisip! Ano ba sagot dyan sa tanong mo?
"Hmmm…"
"Ano? Kung may sagot ka, edi hindi na Regional Science High School ang Quesci!"
"Ha?"
"Di, joke lang! Ano?"
"Di ko alam eh."
"Aaaahhhh…"
"Sorry ah…"
"Ok lang un no! Bat kaya umuusok un?"
Dumating ang FX. Sa wakas. After 50 years. Tinignan ko ang relo ko, alas otso disinwebe na.
Ok. Patay ako sa nanay ko.
+===================================================+
Alas siete na.
Buti ang paalam ko 6:30 ako aalis dito.
Kanina lang, kagagaling ko sa practice. Mag-isa akong nakapila sa terminal. Umubo ako. Malamig..mahangin. Magpapasko na kasi. Naramdaman ko…malamig..at mahangin.
Napatingin ako sa wrist ko para tignan yung oras.
Shet. Nawawala nga pala relo ko ano…naman eh.
Nagbugtong-hiniga na naman ako. Naisip ko tuloy, pano kung bilangin ko lahat ng bugtong-hiniga ko simula pa nung pumila ako dito? Nakailan na kaya ako?
Tumingin ako sa langit. Wala pang stars.
Siguro uulan bukas.
"Miles!"
Napalingon ako. Ngumiti.
"Pia! Saan ka?"
"Dito..sa Litex ako bababa. Ikaw?"
"Sa Caltex."
Humarap ako ulit. Napatingala ako. Nakita ko ung malaking fog lamp sa may kanto ng mababang bubong malapit sa pedestrian lane.
Umuusok siya.
Naalala kita. Naalala ko yung tanong mo sa akin.
Alam ko na kasi yung dahilan eh. Naisip ko na hindi talaga usok yun na galing mismo sa lamp. Iniilawan lang nung lamp ung usok na binubuga ng mga dumadaan na sasakyan sa baba. Kaya nakikita mo ung usok na lumulutang pataas kasi tinatamaan nung ilaw ng fog lamp.
Napangiti ako.
O, ayan. Alam ko na yung sagot sa tanong mo.
Biglang kumabog ang dibdib ko. Kumabog ng masakit.
O ayan. Alam ko na yung sagot sa tanong mo.
Ewan ko kung bakit. Basta kumabog siya. Masakit.
Alam ko na…pero wala ka na.
# correspondence ended @
8:57 PM
|