Hindi ako marunong tumili.
Sige. Pagtawanan niyo na ako kung gusto niyo. Pero, oo. Totoo. Hindi talaga ako marunong.
Kababae kong tao, hindi ko kayang banatin ang mga litid ko para maging tunog takure.
Nadiskubre ko ang kawalang ito noong first year high school. Nanyari ito noong ang mga kabarkada kong lalaki ay nagbabakla-baklaan, at naghihipuan. Sa bawat hipo't kurot sa utong ng isa't isa'y lumalabas ang matinis na sigaw na may impit mula sa mga lalamunan nilang may adams apple. Nagulat ako.
"Pare, ulitin mo nga yun." Sabi ko kay Magnus. Hindi kaila sa kanya na nagulat ako sa ginawa niya.
"Alin, pare?"
"Yung tili mo kanina."
"Kaw nalang tumili, pare. Kaya mo naman yun."
Ibinuka ko ang bibig ko at sinubukan kong tumili. Imbis na tunog-takure, ordinaryong sigaw lang ang lumabas. Inulit ko, pero wala pa rin nanyayari. Matawa-tawang tinawag ni Magnus si Otacan para makita niya rin ang kawalan ko ng talent. Che
."********, hindi marunong tumili si Miles, pare!"
"Di nga!"
"Oo, ****, tingnan mo. Ulit nga, Miles!"
"Lalaki nga yan, pare! Mas marunong pa tayong tumili o!"
Salamat ha.Simula noon, nag-iisip na ako ng paraan kung paano ako matututong tumili. Baka sakaling nade-develop naman yun, at hindi siya inborn.
Tuwing break, pupunta ako sa dulo ng corridor ng classroom namin, hahawakan ang rehas na bakal sa may fire exit at hihila ng kapangyarihan mula sa tiyan ko. Sabay bigwas ng,
Eto na, tili na ito, panigurado.Pero hindi. Olats. Sigaw parin.
Sa tuwing susubukan ko, nilalapitan ako ng mga kaklase kong mahihinhin at bibigyan ako ng tips.
"Ipitin mo ng konti ung lalamunan mo."
"Wag kang huminga ng malalim, sa lalamunan lang naman manggagaling yan."
"Subukan mo kayang mag-pa-opera?"
Di ko maalala kung anong ginawa ko sa taong nagsabi na mag-pa-opera nalang ako.
Di naglaon, napagod din ako, at sinabi ko sa sarili ko
, Anak ng...sukatan ba ng pagkababae ang pagtili. ASA! ASAAAAAA!!!!
Hayun. Kaya't tinigilan ko ang pagsubok sa pagtili.
At hanggang ngayon, hindi parin ako marunong.
Lalaki nga yata talaga ako.
Toinks.
# correspondence ended @
1:48 AM
|