Dahil inaya ako ni Anzo kanina na manood ng Oblation run, maraming mga kalokohan namin nung highschool ang bumalik sa isip ko kanina, at eto ang isa.
Naalala ko nung fourth year highschool kami, napagtripan naming maglista ng mga pinakacommon na pangalan ng mga lalaki sa Pilipinas, at nasama sa listahan ang Mark, Joseph, Joey, Patrick, Carlo, Richard, Dennis, Jason, Jun, Jeremy, Jeremiah, Justin, John, Paul, Ben, Etc...etc. Ang plano noon, pupunta kami sa Diliman pag oblation run na, at isa isa naming isisigaw ang mga pangalan na inilista namin hanggang sa may lumingon.Pag nakajackpot kami ng tao, patay siya dahil mawawalan ng silbi ang paper bag na nakatakip sa ulo't mukha niya habang tumatakbo. Super bentang trips to, kaso sayang, it never materialized.
Naisip ko rin kanina na dapat gawing test ang oblation run para sa mga bio majors. Para matuto kaming maging clinical sa ganitong bagay...we'll be seeing the schlongs of our patients anyway at some point. Ang tumawa, zero. Ang mandiri, zero. Hahaha.
# correspondence ended @
10:55 PM
|