Some random thoughts while I wait for my favorite comfort drink slash coffee substitute to cool a bit.
1. Bakit ang mga sports kung saan kilalang-kilala ang mga Pilipino ay masasabing ordinaryong libangan ng mga tambay sa kanto at basagan ng mukha? Hindi naman sa minamaliit ko ang nakuhang karangalan ng mga tao sa mga larangang ito. Sobrang ikinararangal ko sila. Pero hindi ko mapigilang isipin na baka naman maaring makilala ang Pilipino sa mundo ngayon hindi lang dahil sa bilyar at boksing.
Oo, andiyan sina Eugene Torre at Elma Muros na nagbigay ng karangalan sa atin noon sa ibang larangan ng pampalakasan. Pero, kilala sila at naging maugong ang kanilang mga pangalan sa mundo NOON. Sana, magkaroon naman ng mga bagong pangalan na susunod sa mga yapak ng mga taong ito.
2. Follow-up kay number 1: Bakit kaya hindi sinusuportahan ng gobyerno natin ang sports program ng bansa?
3. Sagot sa number 2: T*ngina, simple lang sagot diyan. Puro kasi tayo utang. Edukasyon nga ninanakawan pa ng pondo, sports program pa kaya. AUTOMATIC APPROPRIATIONS ACT ampucha.
4. Sabi ni Mike Enriquez sa 24 Oras: "Gas explosion sabi ng mga imbestigador." Ang sabi ko naman: "That's bullshit." Noong nakita ko ang scale ng damage na nagawa ng pagsabog sa Glorietta, walang kibit-balikat kong naisip na C-4 ang sumabog, at militar ang may gawa nito. Tch. Hindi ko mabibigyang ebidensiya ang kuro-kuro ko. Sabihin nalang natin na may tiwala ako sa intuition ko, o siguro wala lang talaga akong tiwala sa militar. Apir, Trillanes.
5. In connection sa "That's bullshit" na sinabi ko sa number 4: Nakakagulat na hindi na ako sinasaway ng nanay at tatay ko pag nagmumura ako pag nanonood o nakikinig sa radyo ng balita.
6. Pahabol kay number 5: Well...yun ay kung hindi t*ngina, p*ta, p*t*ngina ang sasabihin ko.
7. Isa pang pahabol: At shempre, HUWAG SA HARAP ng mga iba naming kamag-anak. Wohoo. Bias ba ito. Sorry naaaa.
8. Tsk, tsk. Dapat yata i-unlearn ko muli ang pagmumura. Successful na ako eh...bumalik nga lang nang nag Compa Ana ako.
9. Pahabol kay number 8: Tsk. Sabi ko na nga ba panira ng maganda at mabuting buhay ang pag-aaral eh! HAHAHAHA.
10. Sagot kay number 9: ULOL! Shet. Magtigil. Parang statement lang ng tambay ah.
11. Teka, malamig na ata ung tsaa ko.
12. Sagot kay number 11: Hindi pa, pero kaya nang inumin. Not scalding hot anymore, are you, tea?
13. Hindi talaga ako magsasawang basahin at pagtawanan ang mga status ni Ronald Jimenez sa y!m. Haha. Peace, actionman! :)
14. Tulog na mga tao dito sa bahay at ang boyfriend ko.
15. Dapat yata ako rin.
# correspondence ended @
1:07 AM
|