LIST OF TASKS FOR TONIGHT:
1. Study for Botany Lab Exam
2. Finish Term paper draft [edit + print out]
3. Make Lesson Plan for Saturday's Area
4. Advanced Reading: Botany and Fil
5. Edit Article for Eng 11
....yet here I am, blogging to keep myself sane and happy.
Sa kadahilanang nagrereklamo si David Nigel Paras (na aking blockmate) dahil daw sobrang drama at emo ng mga entries ko...I'll post a happy entry now. Yey! *Clap*
First things first.
Bago ko pa makalimutan..birthday ni Valerie Christie ngayon! Happy birthday, Val/Christie! :D Ang saya ng birthday thingie mo noh? Shempre, pinaghirapan yan [TRANSLATION: labor of love]! *Evil Snicker* Pero di nga...kidding aside...shempre, pinaghirapan yan. :D Happy Birthday ulit! :D
Nag-free cut kami sa pinoy kanina. Awwww.
Oo na, inaamin kong masaya ako dahil walang klase, pero namiss ko talaga si Sir Diccion. Excited pa naman ako sa discussion ngayong araw na to...pero sa kasamaang palad...he had to go somewhere, I think. Kaya ayun, instead na mag-klase, napahaba ang tambay time ko sa Gabay room. *Clap* Pagdating ko sa GR, ang daming tao. At shempre, naging masaya ang aking pagtambay...naging masaya siya kahit na marami akong pang-aasar na nakuha sa mga tao [alam nio na kung sino kayo, ok? hehe.].
But there was something unique with my stay in the GR today.
Marami akong natutunan kay Kuya Kalil kanina.
Una, yung tungkol sa paninigarilyo. Napag-usapan kasi kanina yung "galit" ko sa mga naninigarilyo. Yung tipong sobrang turn-off yun sakin pag naninigarilyo ang isang tao. Tapos marami siyang inexplain sakin tungkol dun at sa tingin ko, may point naman.
Yung isa pang nag-stick sa mind ko yung tungkol sa highest adjective that you can use to describe a girl's physical features. His argument: the word CUTE is the highest one. Why? I'll try my best to give justice and mimic his explanation awhile ago: It takes a certain level of affection and emotion for this word to encapsulate what you think of a girl physically. You can say na maganda siya, pretty siya or even gorgeous...pero iba parin talaga ang pagsasabi ng cute. Wooot! Bagong insight yun.
Ngayon, kakagaling ko lang sa isa sa mga GA ng Gabay...at sobrang masaya ako dahil nagpunta ako...kahit sobrang sabog at toxic na ako. Marami akong na-discover. Grabe. Magaling palang umarte si Kuya Gino. Nabilib ako kay Angel Aaron at kay Grand Angel Lnel...gwapo talaga ang mga "bading" [exception si Kuya Jericho ha. hehe. joke lang kuya!]! Natuwa naman ako sa play na di-nirect ni Ate Tin. astig ang SA! :)
One last.
Haaay. Si Kuya Jericho na-dislocate ang patella (knee cap). `Nuff said.
Pero ok lang yun. Di naman halata na nasaktan siya. Akalain mong nagagawa pa niya akong asarin kahit na may nadislocate sa kanya? Akalain mo yun, nakakatawa pa! hehe. :) Nako, pagaling ka kuya! :)
Bukas ay Practical exam namin sa Botany. I'd better end this entry here, I 've got to study for it and finish the term paper draft for the same subject.
Plants. You gotta love `em.
~~~~~~~~~~~
Hanggang kelan ako magtitiis na mag-internet sa isang netcafe?
Kelan maayos ang telepono nameeeennnnn?
Gusto ko nga pala ng album ng Wickermoss. Bigyan niyo ko. Woot! :)
~~~~~~~~~~
[Kuya Kalil, siguro nga tama ka when you said that people have different reasons for smoking...and may limit nga naman yun. Siguro kaya kong i-adjust yung preference ko..narealize ko rin na parang ang judgemental ko naman masyado. Salamat. Onga pala...ang saya mong kausap tungkol sa mga gantong bagay! :) Woot! ]
[Angel Lilac...tapusin na natin ung AS deeds natin ah! :D Hehe. Andito parin ung "kilig". haha.]
[Kuya Jericho, kumusta naman ang kneecap mo? Haay. Ano bang PE mo? gaya nga ng sabi ko sa itaas, pagaling ka.]
# correspondence ended @
7:34 PM
|