paano mo ba nalalaman kung mahal mo ang isang tao?
sabi ng marami, pag lagi mo siyang iniisip. yung hindi na siya umaalis sa isipan mo. lagi siya at siya lang ang tumatakbo sa utak mo kahit may pinagkakaabalahan kang iba.
sabi ng iba, pag nag-aalala ka para sa kanya. tng tipong itatanong mo sa sarili mo kung
"kumain na kaya siya?", o kaya
"nasa bahay na kaya yon?"yung kahit hindi ka niya makita, nandyan ka parin. nasa likod niya, kahit hindi ka napapansin. ipinagtatanggol mo siya sa mga tao. nasasaktan ka pag hinahamak siya ng iba.
ako?
oo, iniisip ko siya lagi. oo, lagi kong inaalala kung kumain na kaya siya, o kung naglalaro parin kaya siya, kung natutulog na kaya siya sa mga oras na to o gising parin na tulad ko? oo...nandito parin ako...hindi umaalis kahit sabi nila na iwanan ko na siya. pinagtatanggol siya sa iba, kahit sinasabi na nila na tanga ako dahil sobra na ang napagdaanan ko sa kanya, andito parin ako, para pang nag-aantay isa pang pagkakataong masaktan ulit. lagi kong sinasabi sa iba,
"hindi siya ang may kasalanan kung bakit ako umiiyak...pinili ko to, kaya ako rin ang may kagagawan ng ikinalulungkot ko."pero...hindi ko alam.
hindi naman ako nalilito, hindi ako naguguluhan.
hindi ko lang alam kung bakit ganito parin ang nararamdaman ko. mahal ko pa siya...pero sabi ng utak ko, tama na.
may isang batayan na madalas na rin nating marinig, pero napaisip ako ng marinig ko yon galing sa isang kaibigan.
"malalaman mo na mahal mo ang isang tao kung darating ang pagkakataong kailangan mo siyang pakawalan at kaya mong gawin yun kahit masakit."
sabihin mo...
pano ko siya mamahalin?
yung galing sa malayo na hindi niya pinapansin...
o pakakawalan ko na siya ng tuluyan?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Miles, wag na siya! hindi kaya kayo bagay!""Po? bakit naman po ma'am?""Eh, hindi siya bagay sa personality mo! Lutang ang personality mo, strong. eh siya, hindi. kahit matangkad siya, hindi mo siya mapapansin eh! hindi nagcli-click ang personality niyo!""Ma'am...hindi naman po...batang isip pa po kasi yon eh...kaya siya ganon.""Aaaaayyyy..ipinagtatanggol! mahal mo talaga siya no?"it's time to face the truth. i will never be with you.
# correspondence ended @
3:30 PM
|