pambihira ka, babae!
pailalim ka kung tumira
nanggugulo ka, nananahimik sila
nakikisali ka pa
bat naman pumasok ka pa sa buhay nila?
sila'y masaya na!
wag mong idadahilan na hindi pa naman sila
alam mong mali, ginagawa mo pa
anong gusto mong mangyari?
talaga bang may gusto kang sirain?
wag mong masubuk-subukang idahilan ang iyong damdamin
dapat sa simula palang, iyan ay sinikap mo nang pigilin
pero, hayan, sige ka parin.
"pagmamahal" mo ay para na sa inagaw mo ibinalin
ang lakas ng loob mong tumawa at kaawaan pa ang inagawan mo
at ginawa mo pang biro sa mga kaibigan mo ang sitwasyong ito
bwiset ka, bat mo to itinuturing na laro?
damdamin niya'y ginawa mong laruan
ginawa mo siyang tanga
tuwang tuwa ka pa.
para ka pang maamong tupa
kung siya ay kaharap mo
pero sa likod niya
siya pala'y iyong ginagago
ang kapal ng mukha at siya'y nakayanan mong siya ay kausapin pa
siya pala'y inaagawan mo na
parang walang katarantaduhang nanyayari
ang hindi niya alam ay halos patayin mo na siya kung maari.
tamaan ka sana
makunsensya.
alam mo na kung sino ka.
# correspondence ended @
2:32 PM
|