naranasan mo na sigurong magkaroon ng pasa.
pano mo nadiskubreng may pasa ka na?
siguro pag may naramdaman kang sakit pag nahahawakan o nagagalaw yung parte ng katawan mo ng may pasa.
dun mo lang nalalaman.
dun mo lang makikita yung mamula-mula at kulay blue na discoloration sa ilalim ng balat mo.
ang laki at lawak ng pasa, depende yan kung gaano kalakas ang pagkakadale at kung gaano kalaki ang nakadali sayo. ang amount pa ng sakit, depende rin kung saan ka nadale. kung sa maselang parte ka ba naman nadale, e talagang masakit diba? lalo na kung tinamaan ka kung saan ka mahina.
naalala ko tuloy noon, nung isa sa mga gig ng hale, nadale ako ng malakas sa dibdib. pag-uwi ko ng bahay, pagoom. tumambad sa aking mga mata ang pasang kasing laki ng takip ng bote ng absolute.
pambihira, sabi ko sa sarili ko.
sa lahat ba naman ng parte ng katawan ko, sa dibdib pa.sa dibdib pa.naisip ko tuloy. nasaan ba ang puso?
nasa dibdib.
at naisip ko pa ulit.
pwede kaya na ang isang pasa sa tuhod ay maka-apekto sa pagtibok ng puso?
siguro nga, hindi.
bakit ganon ang mga pasa?
pag hindi mo nakikita, hindi ka nasasaktan.
pag nakita mo na, dun mo nararamdaman lahat lahat. naiisip mo kagad kung saan ito nanggaling. kung bakit siya nandon.
pag nagagalaw, napapag-usapan, nababanggit, masakit.
bat ganon ang pag-ibig ko sayo?
parang pasa ko noon sa tuhod.
nasipa mo ako, di ko napansin.
ng biglang may sumakit.
sa tuhod ko lang ba? hindi.
dito. dito. sa puso kong nakikipag-away sa utak ko.
# correspondence ended @
4:46 PM
|