"kaya mo pa?"
"oo, kaya pa. pengeng tubig."
hinihingal mong sinabi sa akin ng kunin mo ang inaabot kong bote ng tubig sayo.
tinitigan kitang mabuti. tumatagaktak ang pawis mo. basang basa na ang buhok mo, pati t-shirt mo. mas naging pula pa yon dahil sa pawis mo.
sinasabi mo, kaya mo pa. pero halata ko naman..kitang kita sa mga mata mo na nasasaktan ka na dahil sa paa mong napilayan.
"O, Miles," tawag mo sakin ng ibinalik mo ang bote ng tubig na wala ng laman.
gustong gusto ko ng ipalo sayo ang boteng hawak ko. gustong gusto ko ng sabihin sayo na huwag ka ng maglaro pa.
magpahinga ka na nga muna! umupo ka na, kasi halata naman na masakit na yang paa mo pag nagagalaw. baka hindi ka na makalakad ulit sa ginagawa mong yan. maawa ka sa sarili mo.
pero..
wala akong nasabi. tinignan lang kita.
pumito na ang referee. naglakad ka ng papilay-pilay pabalik ng court.
nakita ko ang expression ng mukha mo ng ginalaw mo ang paa mo.
nasaktan ka.
pinanood lang kitang lumakad palayo...papilay-pilay.
wala akong nagawa. wala akong nasabi.
ayokong magpakita ng concern sayo. maraming makakakita. ayokong mapansin nila na nag-aalala ako sayo.
ayokong makita nila na mahal kita...at ayokong masaktan ka.
nakuha mo ang bola tapos naka-score ka. partida, pilay ka pa.
ngayon, isang taon na ang nagdaan simula nung napilayan ka. matino ka ng maglakad...maayos na ang paa mo.
pero ako..ganito parin...
walang magawa. walang masabi.
# correspondence ended @
10:56 PM
|